Friday, December 29, 2023

Day 36

10:17pm kahit need kong lumabas now for today para maitapon at mahugasan nilalagyan ko ng urine dito sa loob ng kwarto ko talagang wala na rin akong gana, dahil katulad kahapon nakalabas ako ng isang beses maraming pagkain sa labas kaso lahat galing sa labas kaya nagtyaga na lang ulit ako sa toyo at bahaw buti na lang may isda sa lagayan ng isdang pagkain ng aso at pusa dahil kung nagkataon toyo lang ulit yung ulam ko, kung hindi lang talaga dahil sa amoy ng urine ko na ang sakit sa ulo lalo at kulong amoy dito sa kwarto ko ay hindi na ako daily lalabas dahil wala na rin akong gana kumain bukod sa wala naman akong ibang pwedeng kainin sa labas dahil nga halos lahat ng pagkain doon galing sa labas, yun ngang toyo at isdang pang aso at pusa pinagdadalawang isip ko na rin kung kakainin ko pa dahil baka galing din sa labas at hindi binili ng kasama ko dito sa bahay. Lalo at toyo na nga lang halos nakakain ko kapag lumalabas ako ng kwarto almost once a day ayukhang todo bantay pa rin sila sa paglabas ko mg kwarto na tila may kinakain pa akong galing sa kanila. Kaya madalas mas gusto ko talaga wag na lang lumabas ng kwarto ko daily kahit isang beses. Whole day ako today na nanghihina,nanglalambot at hindi pa rin makapagisip mg maayos kaya halos hindi rin ako naka gawa ng kahit ano g work online para kumita.

(Kaya tila hindi ko siguro ramdam yung pasko at bagong taon dito dahil halos wala naman akong nakaing iba kundi ganun pa rin toyo at bahaw, hindi ko sure kong saan gling yung mga chocolates pero hindi naman ako tumikim kahit isa dahil tila galing nga sa labas.)

Thursday, December 28, 2023

Day 34 - 35

11:23am hindi ako nakapagsulat here kahapon para sa day 34 dahil maghapon akong nanghihina at nanlalambot, nakalabas naman ako kaninang early morning kaso wala akong nakitang ibang ulam kundi yung tatalong pirasong ulam na confirmed galing sa labas kaya hindi ko na kinain para no issue, so nagtyaga na lang din ako sa sabaw ng toyo sa bahaw para sa isang beses na kain for yesterday. Habang today naman ang libing ng stepgrandma ko here na na emergency recently at namayapa. Ito ako now looking for ways to earn online using my phone lalo at need ko rin ng pambayad sa internet ko na malapit na ma expire. While ilang araw ng dito natutulog yung kapatid kong babae dahil masyado raw maliit yung bahaw na inupahan nila ng biological mother ko.

12:13pm nandito biological mother ko kasama bago nyang karelasyon at tila makikipaglibing sila sa libing ng stepgrandmother ko.

12:16pm kinikilala noong karelasyon ng biological mother ko dito yung mga aso here at nadambahan sya ng aso sa damit at tila namantyasahan damit nya.

(Wag na lang nila ako piliting lapitan or palabasin para no issue.)

Tuesday, December 26, 2023

Day 33

12:02am Natapos na yung pasko December 26 na today though hindi ko naman naramdamang pasko dahil nakakulong lng naman ako dito sa loob ng kwarto ko whole as usual for almost 4 years at wala rin naman akong nakain kahit ano lalo at kapag lumalabas naman ako ay hindi naman ako kumakain ng kahit anong galing sa labas, kaya kadalasan nagsasabaw lang ako ng toyo sa bahaw at kung may tira mang isda kahit pang aso at pusa.

12:16am Akala ko walang tao dito sa paligid but just now may narinig akong nagmura, ibig sabihin may nagbabantay at tahimik lang baka hanggang umaga na naman ito gawin, hindi ko lang sure baka mag-ingay maya-maya pag pinatay na yung ilaw here.

(Bakit kaya galit na galit sila sa akin, hindi naman ako kumakain ng kahit isang butil na alam kong galing sa kanila, iniiwasan ko na nga sila, kahit isang candy wala rin akong mabibili here kahit may pera ako dahil mukhang lahat ng kilos ko here binabantayan. Kahit po bantayan nila ng todo ang paglabas ko ng kwarto e hindi naman po ako kakain ng kahit anong galing sa kanila para wala ng issue, sana naman ay na enjoy na nila itong whole day ng pasko at mukha namang maghapon silang nasa labas at nakakain ng masasarap at nakapagsaya. Wag na sana akong idamay kasi lumalabas lang naman ako para kumain ng bahaw at kahit toyo na lang kung wala talagang ibang ulam kundi yung galing sa kanila.)

(Yun ngang hindi ako kumakain o umaasa ng kahit anong galing sa kanila galit na galit na sa akin pasko pa ito, paano pa kaya kapag kumain ako ng kahit isang butil or bumili ng kahit isang candy.)

(Sana happy sila sa Christmas nila at sa ginagawa nila sa akin.)

(Umiiwas ako sa kanila dahil nakakahawa pagiging ampalaya nila in life kaya minsan nagiging ampalaya na rin ako yun ba namang maghapong puro pagmumura at mga reklamo sa buhay naririnig ko sino ba naman ang hindi magiging ampalaya noon?)

(Pahinga muna sana sila today sa pag-iingay at na enjoy na naman siguro nila ang christmas at wala naman silang magiging issue sa akin dahil kahit magtambak pa yung pagkaing galing sa labas ay sure namang wala akong kakaining kahit isang butil from them.)

12:27am naisip ko lang din na posibleng may inaasahan pa yung mga nakapaligid sa akin dito sa aking malaki, parang nakakatawa na yun dahil unang una isang beses lang ako nakakain ng bahaw with toyo daily, tapos nahihirapan pa akong alamin kong yung pagkain ba ay galing sa labas o hindi kaya madalas din hindi ko na kinakain kapag hindi ko sure na hindi galing sa labas, tapos whole day rin ako halos nanghihina at nanglalambot at hindi na rin nakakapagisip ng maayos dahil nga nakakulong lang ako dito sa kwarto ko at puro nakulong na amoy ng urine naamoy at hindi makaamoy ng sariwang hangin ni hindi ko na nga matandaan kung kelan ako huling nakatapak sa lupa. Kaya sa tingin ko na napaka illogical na na may eexpect pa sila sa akin dahil halos lahat ng karapatan ko dito as human ay tanggal na. Yun ngang pagsasalita hindi ko na rin magawa here dahil maririnig. No hate here though it might be deserving of thaf pure facts lang talaga.

(Wag na naman sana na nilang isiping tuwang tuwa pa ako kapag lumalabas ng kwarto ko habang hinang-hina at lambot na lambot na, para kumain ng bahaw at toyo at kung may ulam na hindi galing o bigay sa labas, parang ginagawa na nilang prize at para bantayan nila ng todo habang sila 3 times o baka higit pa ang pagkain a day, hindi ko talaga makita ang logic sa ginagawa nila it doesn't makes sense. Tanggap ko na namang wala akong aasahan sa inyo bakit need pang magbigay ng sakit ng ulo?)

1:49am na ng madaling araw tahimik pero hindi ibig sabihin walang nagbabantay, kahit hindi ako kumakain ng kahit na isang butil na alam kong galing sa kanila bakit kaya tila todo bantay pa rin sila kapag lumalabas ako ng kwarto ko. Para ba e confirm na hindi nga ako kumakain ng kahit anong galing sa labas? Bakit hindi nila itanong doon sa mga kasama ko dito sa bahay para ma confirm nila. Todo na yung pahirap at pasakit na binibigay nila sa akin, katanggap tanggap pa siguro yun kung may inaasahan or kahit isang butil akong kinakain from them kaso wala. At kung meron man sugurado namang babayaran ko yun once kumita na ako, kaso pinagtatrabahuhan naman noong isang kasama ko here sa bahay yung kinikita niya na ibinibili ng bahaw pero kahit ganun i think need ko pa ring bayaran so no issue dahil pera lang naman yun at pwedeng kitain anytime soon, ang issue dito yung pagpapahirap at pagpapasakit nila sa akin kahit hindi ako magtanim ng galit e paano kung totoo yung karma? Hindi ko rin naman gugustuhin yun para sa kanila. Basta ako iwas na lang ako sa kanila at mag-enjoy na lang sila at wag silang magalala dahil hindi naman ako kumakain at nagbabalak kumain ng kahit anong galing sa kanila.

(Posible ngang iniisip nilang kakain ako ng kahit anong galing sa labas dahil pasko, pero nakakatawang isipin matapos nila akong gutumin ng buong taon at pahirapan sa tingin nila enjoy na enjoy akong mag-aantay ng pasko para kumain ng isang beses ng galing sa kanila. That's insanity.)

1:57am as of now medyo naliliyo na ako, at tahimik sa paligid but as i said hindi ibig sabihin noon na walang nagbabantay at nagpupuyat at kung masaya sila sa ginagawa nila ituloy na lang nila hanggang 2024 at who knows baka may makuha silang success.

9:21am nakalabas ako kanina ng kwarto ko kahit alam kong may nagbabantay sa labas, akala ko wala akong makikitang ulam pero may nakita ako kaso mukhang galing sa labas kaya hindi ko n kinain, kung hindi man galing sa labas ayos lang may isda namang pang aso at pusa na pwede kong kainin, may mga chocolate din at biscuit pero hindi ako kumain kahit isa lalo at siguradong lahat yun ay galing sa labas. Isa lang ang rule ko here pagdating sa pagkain basta hindi galing sa labas kakainin ko para wala ng issue kaso madalas talaga bukod sa bahaw at toyo ay yung isdamg pang aso or pusa na lang din pwede ko kainin, like now nandito yung isa kong kapatid na babae may inabot sa aking isang pirasong biscuit like chocolate kinuha ko at ngayon lang yata ako ulit nakatikim halos ng may asukal dahil yun naman hindi gling sa labas mukhang kanya mismo yun. Kaya rin siguro madalas akong nanghihina at nanlalambot dahil madalas wala ng sustansya katawan ko sa dami ng pagkaing dapat kong iwasan here kaya halos bahaw na lang talaga nakakain ko at toyo, kaso yung toyo napaisip ako posible kayang galing din sa labas? So need ko na ring iwasan yun?  So bahaw na lang talaga na malamig once a day makakain ko here?

Monday, December 25, 2023

Day 32

12:04am It's official pasko na December 25 today, at ang naririnig ko lang here now ay yung ingay ng nasa paligid ko, bakit kaya hindi na muna sila magpahinga at pasko na naman mag enjoy na muna sila inaaraw-araw naman kasi nila sobra na, wala namang ibang nakakarinig halos kundi ako at sumasakit ulo, ganito na rin naman dito nitong mga nagdaang pasko at bagong taon puro negativity.

3:48am katatapos lang halos magingay noong nasa paligid siguro naman nakapag noche buena na sila at masaya na sila, hindi ko lang sure kong tulog na sila or binabantayan pa akong lumabas nh kwarto ko now para sa pagkain ko ng bahaw at toyo once a day. At sigurado namang kung may makikita akong pagkain sa kusina na alam kong galing sa labas ay hindi ko kakainin, kahit pa toyo na lang talaga at bahaw yung natitira at lechon o anumang masarap na pagkaing galing sa labas para wala ng issue. So let's see kung magagawa ko now makalabas ng kwarto ko o hindi though tahimik na now sa paligid at malamig pero hindi ibig sabihin nito ay wala ng nagbabantay dahil mukhang hindi sila natutulog makita lang akong lumabas ng kwarto at hindi ko alam kong hanggang kelan nila ito balak gawin.

4:02am hindi pa ako makalabas nangalay na ako sa tapat ng pinto ng kwarto pero hindi ako makahanap ng pagkakataon dahil naririnig ko pa boses nila ibig sabihin noon hindi pa sila tulog at pwedeng nagbabantay, yun lang naman isa sa gusto ko wag na nilang bantayan magdamag ang paglabas ko ng kwarto at hindi naman po ako kumakain ng kahit isang candy na galing sa inyo e, at iniiwasan ko na nga kahit toyo lang e ulam ko. Mas mahirap now dahil ang liwanag noong ilaw sa labas sa may tapat ng pinto ko. Paskong pasko pero sakit ng ulo ang binibigay nila, hindi ba nila kayang ipahinga ito kahit isang araw at maghanap na muna sila ng ibang pagkakasiyahan lalo at pasko naman today.

11:30am naghahanap ako now ng way kung paano kikita yung business page dahil napansin ko halos ang tagal na mula noong huling nakabenta ito ng COD, naisip ko lang na medyo mahirap rin kahit na magawa kong pakitain yung page dahil may maingay sa paligid ko na tila laging walang magawa sa life at tila bantay sarado nila yung fb page ko kaya alam nila kung kelan ako nakakabenta o hindi doon, baka pagnakabenta ako doon mas guluhin ako nila sa ingay nila, ngayon nga pasko pero mukhang maghapon lang silang magsasalita dito sa paligid at magpapanggap na masaya. Nakakapagtaka lang din na tila nawala na talaga yung presensya ng ibang tao sa paligid na para na silang naglahong bigla at yung nag-ingay na lang magdamag at buong araw ang maririnig dito.

Sunday, December 24, 2023

Day 30 - 31

4:32am Ito na naman ang aga may naririnig na ulit akong bibig sa paligid, pasko pa naman bukas pero ito pa ang tatrabahuhin nila it seems today. Talagang mukhang wala na silang balak magbago at ito na talaga ang purpose nila sa buhay. Wala akong magagawa buhay nila yan, ang problema lang talaga ako pinaka nagsusuffer sa noise pollution na ginagawa ng bibig nila dahil yun nga buong araw na nga akong nanlalambot dahil hindi makalabas ng kwarto ko para huminga ng hangin o mainitan ng araw, dadagdag pa yung ingay nila na mukha namang hindi necessary. Ito nga nasa labas ako ng kwarto ko now kalalabas ko lang din halos at paramg nilalagnat pa ako at mainit, tapos sasabay pa pagiingay nila na ang aga. Negative na agad naramdaman ko dahil narinig ko na naman boses nila.

(kakaiba silang mag-aksaya ng oras pati gana mo sa buhay mawawala pag narinig mo yung mga reklamo at ingay nila, kahit tahimik sila ramdam mo yung negative atmosphere.)

(At siguro posibleng iniisip pa nila na tuwang-tuwa at ang saya-saya ko kapag lumalabas ako ng kwarto ko isang beses isang araw para kumain ng natirang malamig na bahaw at toyo at lung may ulam o pagkaing alam kong hindi galing o bigay sa labas, pero ang reyalidad ay hinang-hina na ako at lambot na lambot na, tapos need ko pang magdala ng oangharang habang dala yung lalagyan ng urine habang umiiwas sa mga butas at bintana para hindi maaninag, kaya minsan kahit wala na talaga rin akong ganang lumabas ng kwarto ko need kong gawin dahil ang sakit na sa ilong at hapdi sa lalamunan ng amoy ng urine na nakukulong sa kwarto ko. At ang mas hindi pa ganun kaganda dito ay mukhang proud pa sila sa ginagawa nila. Wala na akong magagawa doon ipagpatuloy nila kung masaya sila at magiging successful sila sa ginagawa nila.)

(Hindi ko alam kong natulog sila or what, kahit ang lamig-lamig. Mukhang ang tindi ng motivation nila kung sa ibang makabuluhang bahay sila nagpupuyat magdamag baka naging successful na sila noon.)

(Wag na sana silang mag-alala, kung ikinakatakot nilang magiging masaya ako dito parang imposible naman yun, ni maging normal na tao nga hindi ko na magawa rito, maging masaya pa ba? Kaya success na sila kung yun yung goal nila sa life ang sirain ang buhay ko. Pero ang issue paano kung totoo yung konsepto ng karma? Hindi ko hinihiling sa kanila yun dahil hindi rin naman ako perpekto, pero wala akong magagawa dahil hindi naman by chance yung mga ginawa nila at desisyon nila yun.)

Friday, December 22, 2023

Day 28 - 29

3:13am 2 days to go before christmas, though nakakalabas naman ako ng isang beses sa isang araw para kumain ng bahaw like now nasa saktong 24 hours na ulit aoong hindi nakakalabas ng kwarto ko at sobrang sama na ng amoy ng hangin dito sa kwarto ko kahit pa may kunting siwang na pinapapasukan ng hangin, ay kulong pa rin ang amoy ng urine, walang ganung nag-iingay now sa paligid kaya wala rin akong nasulat kahapon dito possibly dahil may nakaburol sa kabilang bahay which is yung stepgrandma ko here, pero tila may nagbabantay pa rin sa paglabas ko ng kwarto kahit na 2 days na lang ay magpapasko na, bakit hindi sila nabubusy sa ibang bagay like paghahanda sa pasko at bagong taon?

12:18pm kakikita ko lang sa isa kong social media account na napapublic pala yung reply ko sa isa kong matagal ng friend online at kaya nagtataka ako bakit siya biglang namblock sa akin recently lang noong nakita kong nakapublic pala yung comment reply doon sa account ko atkitang kita doon ko na realize na posibleng nakita ng mga stalker at hater ko at siniraan ako doon, sana masaya sila sa ginagawa nilang pagaaksaya ng buhay nila sa pagsira ng buhay ko kung yun man dahilan, kaya nga hindi ko pinupublic online ang mga nakikilala kong mga friends online lalo at baka siraan lang ako ng mga haters ko at stalkers sa kanila, kaso yun na nga hindi ko namalayan na nakapublic pala yung comment ko sa post noong isa kong nakilala online, sa online na mga lang ako nakakakilala ng mga kaibigan dahil hindi ako makalabas here sisiraan pa ako...

(Yung nahihirapan na nga akong kumilos dito sa maliit kong kwarto tapos pati online hirap din akong kumilos dahil tila lahat ng kilos ko online binabantayan ng mga stalker/hater ko para siraan ako at estalk din ang mga nagiging close contact and friends ko online. Posible kayang ito ang dahilan kung bakit tahimik sila nitong mga nagdaang araw dahil iniisa-isa na nila akong siraan sa mga online contacts and friends ko?)


Wednesday, December 20, 2023

Day 27

11:24pm almost whole day akong hindi naka work sa business page today dahil may iba akong inaasikaso online which is pagshashare ng knowledge ko sa iba at maghapon pa rin akong nanghihina at nanlalambot, as usual whole day no kain or labas ako ng kwarto ko, at may malungkot na news akong narinig sa kasama ko sa bahay ko na namatay na raw ang stepgrandma ko sa kabilang bahay na siya ngang na emergency nitong nagdaang araw sila lang kinalakihan kong stepgrandparents kaya talagang malungkot ito para sa akin pero dapat na itong tanggapin lalo at mukhang nagampanan na naman nila ang gampanin nila at nasa old age na rin sila nakakabigla lang din and this reminds me of temporariness ng mga bagay dito sa earth kaya hindi rin ako pwedeng ganung magpadala sa mga nanghahate at pahirap sa akin dahil hindi ko rin alam kong gaano katagal na lang din ako sa mundong ito para hayaan ko pang sayangin nila at sana ganun din sila na ma realize nila na sinasayang lang nila buhay nila sa paghatak sa akin pababa instead na gamitin nila to improve themselves. As usual same noong namatay at nilibing ang stepgrandfa ko here hindi ako nakapunta or dalaw hindi disrespectfulness yun for me but siguro soon kung makakalabas pa ako dito at magkakameron ng pagkakataon kahit ako na lang dumalaw sa puntod niya at ng stepgrandma ko na namayapa na rin. Dahil hindi ko naman sila dinadalaw para sa kung anong sinasabi ng kung sino sa paligid ko kundi para sa kanila dahil nakaranas ako ng kabutihan sa stepgrandfa and stepgrandma ko na yun here kahit hindi nila ako tunay na apo by blood kaya deserve nila ang respect pasensya na lang talaga sa kanila dahil hindi ko pa magagawang lumapit o dumalaw sa kanila dahil sa kalagayan ko here now. Dahil for me yung kabutihang nararanasan ko sa iba ang pinakamahalaga sa akin para magbigay respeto ako hindi pera o anumang materyal na bagay.

Tuesday, December 19, 2023

Day 26

4:02pm puyat na naman ako dahil ang ingay na naman magdamag kagabi at halos hindi na naman ako nakatulog, nakabili na rin ako ng new second hand phone today na naorder ko online galing sa funds na na raise ko sa business page dahil mukhang anytime from now ay pwede ng masira itong phone na gamit ko now lalo at nakaangat na yung screen niya at wala naman na akong mahigiraman ng phone fito oras na masira ito kaya need kong makabili ng new phone na nagawa ko naman today kaso utamg lang din sa business page yung perang binili ko noon at ang problema ko naman now ay kung paano ko yun mababayaran.

8:03pm ito na naman naguumpisa na naman ang ingay ng bibig, ilang araw na akong puyat dito talagang ang sakit sa ulo dahil kapag kumagat na ang dilim naguumpisa na ang ingay bakit nila tinatrabaho ito gabi-gabi? Ang init na ng mata ko sa ilang araw na puyat. Kakaibang klase itong ginagawa nila. Lalo na at kapag nag-umpisa ng umingay bibig nila pagkagat ng dilim ay tuloy tuloy na at walang hinto hanggang umaga. Wag lang sana nila akong pagtripan lalo na kung wala lang silang magawa sa life, marami naman silang pwedeng gawin lalo at magpapasko at bagong taon like kumain or lumabas, dahil patong-patong na nga problema ko now dafagdag pa ingay nila. Lalo at ako naman yung buong araw na hindi kumakain here at hindi sila, bakit parang baliktad at sila pa yung nawawala sa wastong pagiisip.

(Nakakahanga na ginagawa nilang pagiingay gabi-gabi dahil sa consistency, saan nila nakukuha ang energy at drive para dito na kung saan halos hindi na sila natutulog?)

(Hanggang kelan ko kailangang tiisin itong ingay ng bibig nila na halos 10 to 12 hours a day oras na magumpisang umingay ay hindi na tumitigil at napaparalyzed na lang utak ko sa ingay at mukhang talagang namaster na nila. At ang mas nakakahanga pa rito ay mukhang wala naman silang sinasabi pero non-stop ang pagsasalita nila magdamag.)

(Sa ganitong kalagayan kahit wala kang depression siguradong madedepressed ka, ayos lang naman siguro ito kung may inaasahan ako sa kanila kaso mukhang wala na, umiiwas ako sa mga pagkaing galing sa kanila, ako na nagugupit sa sarili ko dahil nga hindi na rin ako makalabas, pati nga yung basic rights kong lumabas ng kwarto ay hindi ko na magawa dahil tila binabantayan nila hindi lang paglabas ko ng kwarto kundi lahat ng ginagawa ko araw-araw, kahit nga isang pirasong candy hindi ako majapagpabili rito dahil tila lahat ng kilos ko rito ay may nakatutok at bantay.)

(Bakit hindi na lang sila kumain at tumahimik? At kailangan pa nilang mambulabog magdamag ng taong may ginagawa, bakit hindi sa matino at makabuluhang bagay nila gamitin ang oras at enerhiya nila? Can you imagine kung sa makabuluhang bagay nila ginugugol yung magdamagang pagiingay nila, baka within 1 year successful na sila lalo at unlike me hindi naman siguro sila baon sa utang at may sumusuporta. Bakit dito pa nila kailangang ubusin ang oras nila at at enerhiya sa pambubulabog sa akin magdamag, ako ang pinakanagsusuffer dito dahil ako ang pinaka direktang natatamaan ng ibgay nila here e.)

(Sobra na sila e, pwede naman sigurong hindi nila trabahuhin ito gabi-gabi.)

(Ang sakit na ng ulo ko e dahil sa ilang araw na ingay nila, pati mata ko ang init na ng singaw. Wala na ba silang makitang ibang pwedeng makabuluhang gawin?)

9:14pm halos nangingimay na dalawa kong kamay, ang sama na rin ng nalalasahan ko bibig ko at kapit na kapit na ang urine sa lalamunan ko. Habang tila nakabantay na naman sila sa labas na tila gabi-gabi na nilang ginagawa bukod sa pag-iingay. Sa ganitong kalagayan kong talagang may depression ka or mababa stress tolerance mo talagang bibigay sa tindi ng sakit ng ulo na binibigay ng nakapaligid sa akin.

(Pero yun na nga dahil sa mga nararanasan ko rito natatrain akong maging resilient emotionally, na para akong bakal na dinadarang sa apoy. Kaya siguro manhid na ako sa hate at emotional attacks, dahil araw-araw akong napapraktis sa mga nararanasan ko here, kaya siguro ang daming nagpapakamatay nowadays lalo na kabataan ay dahil mahina sila emotionally, kahit physically and mentally strong sila posibleng emotional weakness ang rason kung bakit sila madaling bumibigay at nagpapakamatay.)

(Nakakapagtaka dahil tila buong araw at magdamag na lang silang nakabantay sa labas at mukhang tuloy-tuloy na nilang gagawin ito hanggang pasko at bagong taon. Saang direksyon sila patutungo sa ganitong mga gawain?)

10:22pm mukhang magdamagan na naman nila ako babantayang lumabas ng kwarto ko, kung tutuusin wala na rin akong gana pa halos lumabas ng kwarto ko dahil wala rin naman ako halos ibang nakakain doon kundi paulit-ulit na bahaw at hindi naman ako nakain ng pagkain ng alam kong galing sa labas, kundi lang talaga dahil sa sobramg sama ng amoy na urine dito sa kwarto ko na madalas para na akong sumisinghot ng gas. At ang daming sugat sa loob ng bibig ko now.

(Kung magpapasko at bagong taon na mga ganito pa sila, paano pa kaya pag natapos na ang pasko at bagong taon posible bang mas lumala pa?)

Monday, December 18, 2023

Day 25

2:15am puyat ako now nagising na lang ako kanina may nag-iingay na sa paligid, pero hindi siya paingay for new year kung hindi bibig, bago may na emergency sa labas nag peak ang ingay ng bibig na ito so hindi ko sure kung may kinalaman ito doon, so isa pa ito sa mga challenges here sa akin now bukod sa hirap sa pagbabayad ng business page debt ko dahil nga hindi rin ako makalabas, ni sa kwarto ko hirap akong lumabas like now bukas yung ilaw sa labas ng kwarto ko at mas madali akong makikita ng nagbabantay na mukhang hindi na nga sila natulog mukhang itutuloy na nila ito hanggang umaga though tumigil na yung ingay. Posible kayang iniisip nilang na eenjoy ko yung kinakain kong bahaw na may sabaw na toyo? Until now sa tuwing lumalabas ako once a day sinisigurado ko pa ring wala akong makakain na galing sa labas kahit gulay, hindi dahil galit ako kundi dahil ayoko na ng issue dahil yun ngang business page debt hirap na hirap na akong maayos dadagdagan pa ba naman nila? Lalo at magpapasko at bagong taon naman magsaya na lang sana sila enjoy, go out to party and eat at wag na akong pagtripan pa, dahil sa kawalan nila ng magawa sa buhay nasasayang na yung oras nila sa pagpapasakit ng ulo ko nasasayang din oras ko dahil nakakaparalayzed na rin minsan ingay nila pati utak ko parang naghahang na minsan dahil sa ingay nila, at ang mas masama pa pag gabi or hating gabi like this madalas nagpepeak ingay nila so ako napupuyat lalo at maghapon pa akong walang kain at nakatutok sa pagayos ng business page debt ko, like this need ko ng funds dahil may need bilhin para patuloy kong maasikaso yung business page hindi naman sila makakapag ambag doon kahit piso tapos papatungan pa nila ako ng sakit ng ulo dahil sa ingay nila, bukod pa yung ngarag ko dahil almost 24/7 nga akong hindi nakakalabas ng kwarto ko na kulong yung hangin, walang direct sunlight at wala akong ibang makita kundi pader at kisame. Bakit hanggang ngayon hindi sila makahanap ng iba mas makabuluhan nilang pwedeng gawin? Kung sila ngang halos buong araw nasa labas nabobored paano pa kaya akong halos 4 years ng hindi nakakalabas ng bahay at tapak sa lupa? Tapos babantayan at pagpupuyatan pa nila ang paglabas ko ng isang beses sa isang araw kahit wala naman akong kinakaing galing sa kanila? Hindi na normal itong ginagawa nila at hindi ko rin alam kong ano na mga nangyayari sa labas. Sinusubukan kong isulat ito as best as i can na walang nasisiraan kundi pure experiences ko lang dito dahil talagang ito naman nararanasan ko here.

(Bakit parang wala silang balak matulog hanggat hindi nila ako nakikitang lumalabas at pasok ng kwarto ko? Parang araw araw bagong taon kung ganito lagi nilang pinagpupuyatan pagbabantay sa akin sa paglabas ng kwarto ko, mauunawaan ko yun kung yung kakainin ko sa labas ng kwarto ko ay galing sa kanila o bigay nila pero yun na nga hindi e, kaya hindi ko maintindihan why.)

(Dito na lang ba nila sasayangin ang oras nila? Sa pagbabantay sa akin mula gabi hanggang umaga ng hindi natutulog? Ilang oras nagagastos nila doon? 4,5,6,7 or 8 hours o baka higit pa? Hindi ba sila naniniwala sa kasabihang time is gold kaya ganun na lang nila sayangin oras nila? Kung sa araw-araw yung same na dami ng oras na gingugol nila sa pagbabantay sa akin magdamagan ay sa pagkatuto ng skill nila ginagamit baka mamaster nila yun in one year like drawing or chess.)

(Saka hindi kung iniisip nilang naeenjoy ko yung pagkain ng malamig at matigas ng tirang bahaw ng kasama ko dito sa bahay at kung may ulam mang hindi galing sa labas, at kung wala ayos lang naman sa aking magtyaga sa toyo, ay hindi dahil sino bang masisiyahan na puro malamig at matigas na lang kakainin mo isang beses isang araw tapos mahihirapan ka pang lumabas dahil may todo bantay sayo na iniisip na naeenjoy ko pa yung kinakain ko? Kung nagdududa sila pwede naman nilang subukang gawin na almost 4 years nakakakulong sa isang bahay almost whole day araw nakakulong sa isang maliit na kwarto na halos wala ng hanging pumapasok at direct sunlight tapos puro amoy ng urine naamoy dahil nga hindi rin ako makalabas para umihi, kung sa gabi na madilim pahirapan pa akong lumabas paano pa kaya kapag umaga, tapos may binabayaran pang online business debt na resulta ng mga nanloko sa aking partners before, tapos pahirapan pang lalabss isang beses a day dahil maynagbabantay na madalas pang sobrang ingay at sakit sa ulo na nakakapagpapuyat pa, para lang makakain ng kaunting bahaw at toyo at kung may tira mamg ulam basta hindi galing sa labas para wala ng issue. Magagawa kaya nilang maging masaya sa ganun? Literal na torture nangyayari sa akin here kaya hindi po ako masaya, lahat ng karapatan ko halos bilang tao tanggal na e ni yung magsalita nga hindi ko na nagagawa here dahil maririnig pa ako, kaya Impyerno talaga ang bagay na title sa volume na ito ng diary ko.)

2:42am so kasalukuyan akong naghahanap ng pagkakataong makalabas ng kwarto ko, medyo mahirap ito dahil tila nagsasalita pa sila at gising at bukas at maliwanag yung ilaw sa tapat ng pinto ng kwarto ko so kapag lumabas ako aninag na aninag nila. Hindi ko maunawaan kung ano nakukuha nila rito sa ganitong gawain. Pati ako nasasayangan din ng maraming oras.

(Sobra na nga akong namamayat sa ginagawa nila sa akin dito hindi pa ba naman sila kuntento? Pwede naman silang kumain na lang o maghanap ng pwede nilang paglibangan, hindi yung mambulabog ng pagiingay magdamag at bantayan ang paglabas ko ng kwarto lalo at wala naman po akong ibang ginagawa sa labas ng kwarto ko kung hindi hugasan yung nilalagyan ko ng urine at kumain ng bahaw with toyo and kung may ulam man na hindi galing sa labas kahit pa yung isdang pang aso at pusa pagtatyagaan ko at wala akong reklamo doon kahit umay na umay na ako. Hindi pa ba sapat yun? Kasalanan ko pa bang bored na sila at walang magawa sa life? Namomroblema pa nga ako jung paano ko babayaran yung business page debt ko na posibleng ayaw nilang mabayaran ko dahil posibleng gusto rin nilang nakikitang nahihirapan ako, misery loves company sabi nga ng iba.)

2:57am sobrang sama na ng amoy ng urine here sa loob ng kwarto ko, kaya siguro hindi na rin ako nakatulog dahil bukod sa ingay ay nagiinit na mata ko sa amoy ng urine na para akong sumisinghot ng gas dito kaya hindi rin pwedeng hindi ako makalabas dito sa kwarto ko today, pero mukhang nagbabantay pa rin sila at gising so need ko pang magantay.

3:59pm working ako now sa business page ko, kahit medyo hindi maganda pakiramdam ko dahil sa puyat na inabot ko sa tindi ng ingay ng nasa labas magdamag kagabi kaya para akong lutang now at kulang ako sa tulog.

Sunday, December 17, 2023

Day 23 - 24

2:28am hindi pa ako nakakalabas ng kwarto ko here, while maghapong busy kasama ko sa bahay sa labas dahil nagka emergency sa labas. While whole day working ako sa business page kahapon kaya hindi na rin ako nakapagsulat here for day 23.

7:37pm maghapon akong nakatutok sa business page para mag raise ng funds lalo at may need na paggamitan, while buong araw din akong walang kinakaing kahit ano mula umaga hanggang gabi now.

Friday, December 15, 2023

Day 22

1:08pm as usual buong araw akong ngarag at nanlalambot dahil wala na akong ibang makita kundi itong pader at kisame dito sa kwarto ko kaya mukhang hindi na rin ako makapagisip ng ayos, napansin ko lang din na tila pati ngipin ko naguumpisa ng masira dahil na rin siguro sa halos hindi na ako nakakanguya ng kahit ano here kaya hindi na nalilinis ngipin ko simula noong halos isang beses na lang ako nakakain daily ng bahaw, ni hindi ko na nga alam kung anong lasa ng pagkaing mainit dahil puro bahaw at malamig na lang nakakain ko kapag madilim na, masyado ko na ring napabayaan sarili ko here isa sa napansin ko kakaintindi da mga kaguluhan dito sa paligid ko at doon sa business page debt unti-unti na rin palang nasisira physical body ko.

Thursday, December 14, 2023

Day 21

12:06pm mukhang may nag-iingay sa paligid now at tila walang magawa sa life sa ganitong kalagayan dapat silang iwasan dahil delikado ang taong walang magawa sa life lalo na kapag maraming energy lalo na kapag sobrang ingay nakaka paralyzed, hindi na lang ako masyado nakakasulat here lalo at nakakalabas naman ako daily ng isang beses kapag madilim na though wala ng toyo at bahaw na lang na madalas kakaunti na lang din nakakain ko lalo at kapansing-pansing parang ang bilis napupuno ng tyan ko kahit kaunting bahaw lang makain ko ng isang beses sa isang araw dahil kaya ito sa malamig at napupuno na ng hangin tyan ko lalo at laging walang laman? at buti na lang may natitirang kapirasong isda kasama ko sa bahay. As of now working and thinking pa rin ako kung paano ko maayos business page debt ko gamit itong isang old phone na gamit ko habang hindi nakakalabas ng bahay ng almost 4 years na, ng walang halos kahit anong nabibili outside kahit isang pirasong candy.

Wednesday, December 13, 2023

Day 20

3:06am Super lamig na now whole day no kain ng bahaw na malamig pa rin ako at hindi pa rin nakakalabas ng kwarto, kahit madilim at tahimik sa labas ng kwarto ko tila may nagbabantay pa rin, hanggang 2024 ba nilang gagawin ito? Hindi pa rin ako kumakain ng pagkaing alam kong galing sa labas para wala ng maging issue.

Tuesday, December 12, 2023

Day 19

2:16pm wala akong ganung naisusulat here recently dahil ibig sabihin noon walang ganung bumubulabog na ingay or hate from sorroundings sa akin, mabuti yun at maghanap sila ng mga pwedeng makabuluhang gawin sa life at hindi pambubulabog sa akin, matitiis ko na naman na buong araw akong hindi nakakalabas ng kwarto ko at whole day hindi kumakain at walang ibang nakikita kundi pader at kisaming halos nasa 5 feet away lang from me, wag na lang nilang sobrahan at bulabugin pa ako. As of now matinding init nararamdaman ko here lalo at halos walang hanging pumapasok sa kwarto ko or labas at tirik na tirik ang araw.

Monday, December 11, 2023

Day 18

11:51pm napakalamig na, whole day no kain na rin ako as usual, at nasa paghahanap ako ng investor sa business page the whole day, Kasalukuyan na rin akong nangangati ng todo dahil nga rin sa medyo matagal na rin akong hindi nakakaligo lalo at medyo mahirap maligo kapag lumalabas ako ng kwarto lalo na kong laging may nagbabantay at nakikinig. Pero kahit matatapos na ang 2023 ay tila galit na galit pa rin sila sa akin pero wala na naman akong issue doon.

Sunday, December 10, 2023

Day 17

12:04am ang ingay na naman sa labas ng bahay, bahaw na lang nga nakakain ko once a day mukhang hindi pa ako makakalabas tonight. Mukha namang nakakain sila ng gusto nila at sapat daily bakit kailangan pa nilang gawin ito? Nagtataka na ako parang hindi na sila natutulog kapag umaga buong araw na tahimik kahit nasa paligid though minsan sumusulpot ang ingay, then paggabi naman saka sila nagiingay nahihirapan na nga ako sa kinakain ko dahil wala akong ibang makain na bukod sa bahaw ay pahihirapan pa nila ako dahil sa pagbabantay at pagiingay nila currently walamg-wala na akong ganang kumain kahit ng bahaw dahil sa ingay nila at toxicity energy nila. Ako pinakanagsusuffer dito sa ingay nila at hindi yung pinaparingan nila na wala namang naririnig.

(At ang mas masama pa rito mukhang balak na nilang trabahuhin ang pag-iingay na ito hanggang pasko at bagong taon, hindi ako makalabas ng kwarto ko kapag madilim na e dahil babantayan na naman ako at pagnakita akong lumabas ng kwarto ko ay mag-iingay na naman para hindi ako makapasok kaya mangangalay na naman ako sa labas ng kwarto ko hanggang umaga habang tinitiis ang ingay nila.)

2:02pm nandito now sa bahay ang mga kapatid kong babaeng maliliit kasama ang bagong kinasakasama ng biological mother ko, dahil daw may sakit currently ang biological mother ko at inuubo kaya nanghihingi ng halamang panggamot. Napansin ko lang na halos hindi na pumupunta dito mga kapatid kong lalaking dalawa kahit madaan man lang at mas madalas ng napunta dito yung bagong kinakasama ni mama kesa sa kanila. Wala na rin akong update sa dalawa kong kapatid na lalaking yun.

2:10pm kausap ng dalawang nagampon sa akin ang bagong karelasyon ng nanay ko dito sa gilid..

Saturday, December 9, 2023

Day 16

7:18pm maghapong tahimik sa paligid kahit may mga tao, buti nakapanood ako ng Eat Bulaga ng TVJ sa TV5 dahil kahit tahimik nasa paligid ko matindi pa rin toxicity at negativity vibes and energy na lumalason at nagpapahina sa akin halos buong araw kaya hindi na rin ako makapag isip ng maayos. So nag-aact as antidote sa toxicity na nasa paligid ko dito yung eat bulaga sa TV5. Talagang naiisip ko lang na grabe talaga kalagayan ko dito naghahanap ako ng way para makabayad ng debt sa business page ko habang para akong isda na nakakulong sa maliit na lata here, at isang beses na nga lang ako makalabas ng daily pahirapan pa dahil binabantayan ako pero wala namang dahilan na kasi hindi naman na ako nakain ng pagkaing galing sa labas kahit biscuit na binili ng kasama ko here, at kung bahaw na lang talaga at walang ulam na hindi galing sa labas wala akong pagpipilian kundi bahaw lang yung kainin ko. Madalas kumukulo tyan ko at nanakit na parang tinutusok ng karayom recently kaya torture ang tawag ko sa nararanasan ko dito sa dati kong blog sa Twitter.

Friday, December 8, 2023

Day 15

12:53am nandito ako now sa labas ng kwarto ko, as usual kapag lumabas ako ng kwarto ko napupuno ako ng negative at toxic emotions dahil na rin siguro alam kong may nagbabantay sa akin dito sa labas ng bahay sa paglabas ng kwarto ko, pagkalabas ko may nakita akong kapirsong isda at isang pirasong pritong manok, yung kapirasong isda lang kinain ko hindi na yung pritong manok dahil akala ko galing sa labas pero binili pala ng kasama ko sa bahay pero ayos lang, issue rin kasi yun rito hindi ko alam kong yung ulam galing dito sa bahay o sa labas kaya madalas hindi ko na lang talaga kinakain kaso ang masama lang katulad nito wala ng toyo halos magtatyaga na lang ako nito sa bahaw, so isang beses na nga lang ako nakakalabas sa isang araw, bahaw pa nakakain ko tapos hindi na ako makapagulam ng kahit na ano dahil nga hindi ko na alam kung ano yung galing sa labas at hindi na pagkain, yung bahaw sigurado dito sa bahay galing at toyo. Again wala akong hate ayaw ko na lang ng issue at sana wag na nila akong magdamag bantayan sa paglabas dahil 100% kung iniiwasan yung pagkaing galing sa labas, kung kaunting tirang bahaw lang makakain ko ng isang beses sa isang araw ayos lang titiisin ko kasi nahihirapan na nga ako doon dadagdag pa ang pagbabantay nila tapos mag-iingay pa sila kung pwede namang matulog na lang sila o kumain ng pagkaing gusto nila o maghanap ng ibang makanuluhang pwede nilang gawin dahil sinasayang na nila oras nila sa pagbabantay magdamag sa paglabas at pasok ko ng kwarto, nasasayang din oras ko dahil kailangan ko pang umiwas sa liwanag at hindi makagawa ng ingay para dahil baka maaninag ako o marinig. Like now baka abutin ulir ako ng umaga dito dahil may nagsalita na naman sa paligid at nag-ingay right after kong lumabas ng kwarto a sign na nagbabantay sila.

6:24pm maghapong tahimik na naman sa kapaligiran, at posibleng magdamag na namang maingay as if may kinakain pa akong galing sa kanila, na pati yung pagkaing hindi galing sa kanila hindi ko na rin nakakain kaya halos bahaw na malamig na lang talaga once a day nakakain ko lalo at wala na yatang toyo kaya sana makuntento na kayo at pwede niyo namang kainin ang kung anong gusto niyo, wala na naman rin kasi akong choice here, nahihirapan na nga po ako sa maghapong nakakulong sa kwarto ko, pahirarapan niyo pa sa pagbabantay sa akin hindi na nga po ako nakain ng kahit na anong galing sa inyo e tama na po yun, makuntento na sana sila. Kanina may gustong iabot na pera sa akin yung isa sa kasama ko here sa bahay pero hindi ko na kinuha lalo at wala naman akong mabibili o mapaggagamitan noon dito, kahit isang candy hindi naman ako makakabili here kaya kanila na lang pandagdag sa pambili ng bigas lalo at baka sa labas pa galing perang yun.

(Medyo mahirap ito ha isang beses lang ako kakain ng bahaw na malamig sa isang araw ng buong araw hindi nakakalanghap ng hangin o nakakakuha ng direct sunlight tapos puro kulong na amoy ng urine pa naamoy ko whole day kaya patong-patong na panlalambot nararamdaman ko, kaya napapasabi na lang talaga ako ng sobra na sila.)

Thursday, December 7, 2023

Day 14

3:40pm around minutes ago habang nagwowork ako sa business page ko na makahanap ng investors ay napapunta ako sa account ng isa sa kasama ko here sa bahay at nakita ko sa fb page timeline ng nanay ko na kasama isa sa picture ko sa kanyang fb post, medyo sumama pakiramdam ko dahil hindi na rin ako naguupload ng personal picture ko online now tapos nakita ko sinama nila ako sa post nila yun pang pinili nila na pinakamatino ko halos na picture so far na mukhang malayo na naman sa itsura ko now dahil noon nakakalabas pa ako at nakakawork pa ako sa petshop sa labas at nasisikatan pa ng araw at nakakain ng 3 times a day, baka kasi pagmulan pa ng inggit ng mga nasa paligid ko kaya hindi rin gumanda pakiramdam ko dahil doon nabawasan pa rin kasi ako ng oras na sa halip sa paghahanap ko ng investors magamit na nahihirapan na nga rin ako now maghanap ng investors tapos may ganun pang mangyayari na need ko pang ayusin tapos naka free data pa nanay ko sabi sa chat kaya sumama talaga pakiramdam ko dahil ibig sabihin baka matagalan pa bago niyo matanggal yung picture so parang nagkameron pa ako ng worry na marami makakita at maiingit doon sa picture kasi pakiramdam ko yung mga nasa paligid ko halos lahat na lang kinaiingitan nila kaya mabuti na yung walang issue lalo at namomroblema na nga ako now sa business page debt ko, tapos dahil sa inggit iistorbohin pa nila ako di lalo na akong nahirapan? (Tahimik sila now pero hindi ko alam baka maya maya lang mag-ingay na ulit sila.)

8:50pm nagpahinga ako saglit sa paghahanap ng investors sa Sofa/Furniture's business page ko dahil na nga rin sa panghihina ko mainly because doon sa picture na nakita kong inupload ng nanay ko online pero mukhang nabura na nya now, mukhang nanakit lang likod ko now at matindi na rin amoy ng urine dito sa loob ng kwarto ko kaya siguro ako naliliyo now at nanunuyo lalamunan.

(Posibleng nasanay na silang paggabi ako lumalabas, kaya ganung oras na rin sila nagbabantay kahit madilim na so hindi na muna ako lumalabas ng gabi dahil pag lumabas ako tila bigla rin silang lumalabas at nagsasalita magdamag mula gabi hanggang umaga ng hindi natutulog at nagbabantay sa pagpasok ko ng kwarto possibly thinking na na eenjoy ko pa yung kinakain kong bahaw at toyo at kung may ulam mang tira kasama ko sa bahay kahit madalas halos kapingranghot na lang na isda kaya nawawalan na rin ako ng ganang kumain madalas lalo at hindi na naman ako nakain ng kahit anong galing sa labas para wala ng issue, nasa kanila na yun kung magpupuyat sila sa pagbabantay sa paglabas ko ng kwarto kung lalabas ako o hindi, dahil kumakain na lang naman ako now para magka energy ako at makawork sa business page ko.)

Wednesday, December 6, 2023

Day 13

3:08am nandito pa rin ako sa labas ng kwarto ko now puyat na puyat after kung lumabas para kumain ng bahaw, at tila may nagsasalita pa sa paligid na I'm not sure kung maagang gumising or hindi na lang talaga natulog kaya hindi ako makapasok, ano kayang nangyayari na sa kanila bakit tila lagi na silang walang magawa at binabantayan ang paglabas at pasok ko ng kwarto gayung nagtatyaga na lang naman din ako sa toyo at sa kung anong naririto kahit kapirasong itlog or isda na pang aso at pusa na lang, dahil Iwas na nga ako sa kahit anong pagkaing galing sa labas.

(Sa 10hours mula gabi hanggang umagang pagbabantay nila sa paglabas at pasok ko ng kwarto daily kung e multiply yun sa 30 days a month = 300 hours na yun sa isang taon × 12 = 3,600 hours yearly ang sinasayang nila sa pagbabantay sa akin magdamag almost half of their life na yun just imagine kung sa pagaaral ng skills like drawing,sports,business nila gamitin yun baka maging expert sila sa 3,600 hours a year na yun.)

11:36am napilitan na akong magrecord dito dahil magkabila na yung ingay ng bibig na naririnig ko na tila directed sa akin, isa sa gilid at isa sa hindi kalayuan, sana enjoyin na lang nila ang holiday lalo at magpapasko at bagong taon kumain sila ng gusto nilang pagkain at magsaya sila have a party, at gagawin ko naman po makakaya ko na hindi kumain kahit isang butil na kahit anong galing sa mga handa sa labas ng bahay kahit pa wala kaming ihanda dito, matitiis ko naman po yan wag na lang sana nila akong bombahin ng mga ingay nila at maghanap din sila ng makabuluhan nilang pwedeng gawin sa buhay. At wag nilang sayangin ang oras nila sa panghahate at pangiistorbo sa akin lalo at tinitiis ko na nga po na hindi ako makalabas ng kwarto ko here, hindi makapagsalita o makagawa ng ingay, whole day no kain kahit madalas yung bahaw at toyo kapag narinig ko ingay ng nasa paligid ko nawawalan na rin ako ng ganang kainin.

(Time is gold ikanga nila kaya wag naman sana nila sayangin oras nila sa akin, tama na po itong pagpapahirap na ito hirap na hirap na po ako at wag sana nilang dagdagan, at mag enjiy na lang sana sila lalo at malapit na magpasko at bagong taon.)

(Mahirap din kasi maging masaya kapag nagpapahirap ka ng iba, katulad nito pinapahirapan nila ako paano sila magiging masaya noon?)

(Focus na lang sana sila sa buhay nila kahit naman hindi na nila ako pahirapan dito ay talagang mahihirapan ako sa pag-iwas sa kanila dagdag pa yung business page debt na need ko bayaran at kailangan kong kumita ng pera habang nakakulong dito sa kwarto ko at gamit itong isang luma at tila malapit na ring masirang phone.)

(Sa sinusulat ko here hanggat maari hindi sila magmukhang masama, dahil hindi naman yun yung intention ko kundi e-record lang ang nangyayari lalo na pag hirap na hirap na ako dahil yun naman ang main purpose ng nebro na ito edetalye ang actual na nararanasan ko here.)

(Hindi naman ako galit sa kahit na kanino sa kanila, kailangan ko lang talaga e record ang mga nangyayari kasi minsan sumosobra na pagpapahirap nila sa akin at parang malalagutan na ako ng katinuan at hininga, kaya kailangan ng record para atleast kung manyari man yun naririto recorded ang rason.)

3:22pm kapansin-pansing tila may ingay na rin sa kabilang direksyon ng kwarto ko sa labas mukhang dadagdag na ito sa mga kakain ng oras ko, habang napansin ko nababawasan negativity na parang lason na sa paligid ko rito kapag nanood ako ng E.A.T. Online na ngayon ay nagagamit na nila ang final part na bulaga sa theme song dahil nanalo ang TVJ sa trademark, kaya ko sila sinusuportahan ay dahil isa ang programa nila sa nagpapanatiling matino pa sa akin dito kahit na puro hate at negativity na lang nalalanghap ko halos sa paligid ko dito na energy at hindi ko alam kong ano na nangyayari sa kanila.

7:03pm almost kapopost ko lang ng new product sa business page ko na Sofa and Furniture's, medyo matagal na rin noomg last akong nag post doon dahil bukod sa ilang mga pinagkakautangan ng page na hindi makaunawa sa situation ay baka under watch na rin ng mga naiingit sa akin or talagang wala lang magawa sa life kundi mangistorbo ng kapwa yung page so medyo big move ito now lalo at baka atakihin na naman ng inggit ang mga nanghahate sa akin kapag nakita yung post, ang maganda na lang siguro nilang gawin sa buhay nila sila magfocus at wag sa pagkakameron ng crab mentality, dahil kung ako nga na nakakulong lang dito sa kwarto ko ng almost 4 years na walang labas nakakisip ng ganito makahanap lang ng way para kumita, paano pa kaya silang may kalayaan na makalabas at kumain kahit kelan nila gusto?

(Posibleng e hate na naman ako at istorbohin ng todo ng mga nanghahate sa akin dito dahil sa pagiging active na naman noong business page ko pero ano po bang magagawa ko walang ibang susuporta sa sarili ko kundi sarili ko at hindi ko na pwede pang unahin ang inggit nila sa akin, kumilos na lang din siguro sila at wag magpakatamad at magpaka ampalaya sa buhay dahil siguradong hindi na maganda direksyon nila kung palagi silang ganun mas gusto pang manghatak ng iba pababa kesa ayusin ang buhay nila at sarili nila. Baon pa sa utang yung business page ko nito pero ganito na agad naiisip ko yung mga naiingit sa paligid ko na tila wala ng magawa sa buhay, paano pa kaya kapag nabayaran ko yung utang ng business page baka lalo na, posible ngang hindi nila gustong mabayaran ko yun para manatili akong alipin dito, wala na akong magagawa doon.)

(Ilan sa mga pagsubok sa akin here:
*Halos wala na akong ibang makain bukod sa bahaw at toyo dahil kapag may tirang ulam ang kasama ko here sa bahay kapag alam kong galing sa labas hindi ko na rin kinakain para wala ng issue sa kanila.
*Iniisip pa siguro nilang masaya ako kapag lumalabas ako mg isang beses daily para kumain kaya todo pagbabantay sila kahit mukhang maghapon naman silang kumakain, para alamin kung hindi na ba talaga ako kumakain ng kahit na anong galing sa labas?
*Sobramg sikip na nga nitong kwarto ko kailangan ko pang maging maingat sa pagkilos para hindi nila ako maaninag sa bintana or butas-butas dahil tila madalas wala silang magawa sa life kaya nabubusy sila sa walang kabuluhang mga bagay katulad ng pagbabantay sa akin.
*Wala akong mabibilhan ng kahit ano here kahit pa magkapera ako.
*Kailangan kong magingat sa bawat kilos ko na walang mainggit sa akin sa paligid ko dito.
Etc...)

7:47pm may ingay na ulit sa paligid now na nakakadistract din sa akin dahil pasok na pasok dito ingay nila, habang ako kahit ingay ng pagutot kailangan kong ingatan dahil mahirap din kapag lahat halos ng kilos ko at ingay dito binabantayan kaya pati pagsasalita hindi ko na magawa dito.

(Kahit online nagiging napaka ingat ko sa mga ginagawa ko dahil tila nga wala na silang magawa sa life at delikado ang mga taong walang magawa sa buhay kung ano-ano na papasok sa utak niyan parang tiyan na walang laman na kinakabagan, tila kahit lahat ng accounts ko online iniistalk nila at talagang ginawa na nilang purpose sa buhay ang pagsira ng buhay sana nga masaya sila sa ginagawa nila.)

Tuesday, December 5, 2023

Day 12

11:48pm maghapong tahimik sa kapaligiran sa hindi maipaliwanag na dahilan, while until now sobrang sama na ng amoy ng urine here sa loob ng kwarto ko at kapit na sa lalamunan ko, nakita ko naman kanina na nanalo ang TVJ sa kanilang cancellation sa trademark ng Eat Bulaga ibig sabihin may malaking tyansa na sila na ulit ang gumamit ng Eat Bulaga title soon lalo as of now show nila ang noontime show na sinusupport ko online dahil kahit paano kapag nanood ako ng E.A.T. now like before noong sila pa ang nasa Eat Bulaga ay nakakatulong silang ma bawasan paghihirap at kalungkutang nararanasan ko here. Habang lumindol din ng sobrang lakas kanina pero as usual hindi rin naman ako nakalabas ng kwarto ko. As of now ay hindi pa ako nakakalabas ng kwarto ko para kumain ng bahaw for today though nakalabas naman ako kagabi.

Monday, December 4, 2023

Day 11

4:26pm currently working ako sa business page getting resellers na want din kumita sa pagbebenta ng products ng business page ko, also marketer and investor, at ito now lambot na ako physically and mentally lalo at buong araw as usual ulit akong hindi nakakalabas ng kwarto ko at walang kain, ngarag na ulit ang isip ko now. At nanakit at kumukulo pa rin tyan ko till now.

6:09pm naguumpisa na ulit umingay, wala na ring dapat ipagaalala ang nagbabantay sa paglabas ko ng kwarto dahil tila hindi rin naman ako kakain ng kahit anong galing sa labas this Christmas and new year, sa tuwing lumalabas nga ako ng kwarto ko tuwing madilim na wala na rin akong ganang kumain dahil sa ingay, kaya bahala na sila sa kung anong gagawin nila basta ako hindi ako nakain at naiwas sa pagkaing galing sa labas. Nanunuyo na rin mata ko now possibly dahil buong araw na akong nagwork sa business page ko + itong amoy ng urine na nakulong sa kwarto ko.

Sunday, December 3, 2023

Day 10

10:49pm whole day almost paghahanap ng pwedeng mag invest sa business page this 2024 ginawa ko online, while yung tiyan ko talagang hindi maganda ang nararamdaman ilang araw na ito pero ganito pa rin palaging nanakit at kumukulo, nagstart ito halos noong nag start ako dito sa Berto's Diary Book, now almost kakain ko lang ng bahaw at sumakit na naman ulit ng todo ang tiyan ko now, ano ba naman ito nasa pagkain ba ang issue kaya sumasakit ang tiyan ko? Habang iniisip pa yata ng mga nagbabantay sa akin sa labas na ang saya-saya ko kapag lumalabas ako ng kwarto ko ng isang beses sa isang araw e bukod sa wala naman akong makain dito bukof sa bahaw at magsabaw ng toyo at kung may tirang ulam kasama ko sa bahay e lagi pamg masakit halos tiyan ko na hindi ko na maintindihan bakit hindi na nawala-wala ang sakit.

Saturday, December 2, 2023

Day 09

7:24pm now at sumasakit na naman tiyan ko ng todo as usual whole day no labas ako ng kwarto and kain habang working ako sa business page debt ko na mag convince na invest na lang yung mga pinagkakautangan ng business page na inumpisahan ko around 2021 na baon pa rin sa debt, so hindi tayo ganun ka successful today maraming ayaw e invest ang concern debt nila this 2024 so pressured ako na humanap ng way mag earn online gamit itong 1 old and madalas na ring maglag ang connection na phone ko na nabili ko recently for 900 pesos online, so pressure talaga toh lalo at madalas manghihina o nanlalambot pa ako dahil nga sa no direct sunlight, fresh air at kain at almost 4 years na akong walang labas ng bahay here at almost whole day na nasa maliit na kwarto lang kaya madalas siguro ngarag na rin isip ko dahil wala na akong ibang nakikitang nasa more than 5 feet away from me buong araw for almost 4 years here.

(Isa lang sigurado ko here hindi na magiging normal pa buhay ko rito kahit maging normal pa ulit ang mundo dahil sa mga nagpapahirap sa akin unless may mag interfere na alien out of the sky.)

10:21pm sobra ng sakit ng tiyan ko na parang tinutusok ng karayom habang nakabantay na ulit tila sa paglabas ko ulit, hindi ko na maunawaan kong anong nangyayari sa kanila pwede namang kaumain na lang sila ng kanila ng 3 times a day at bakit need pa nilang bantayan paglabas ko kapag madilim na kung hindi naman ako nakain ng kahit anong galing sa labas para no issue na, yun bang pagkain ko ng isang beses ng bahaw sa isang araw ay ganun pa kasalanan? Wala na ba talaga silang habag? Bato na ba mga puso nila? Paano kung totoo ang karma? Anong karmang kapalit nito? Sobra na... Ang sakit na ng tiyan ko, wag myo na bantayan dahil kahit may pagkain naman doon na galing sa labas iiwasan ko naman.

Friday, December 1, 2023

Day 08

11:35am may lagnat like pa rin ako at nahihiranapang lumunok but as usual wala tayong kahit na anong gamot na maiinom.

4:08pm working ako sa pag convince sa mga pinagkakautangan ng business page ko an iinvest na lang muna ang debt ng business page ko sa kanila for 2024 may ilang pumayag maraming hindi pa at yung iba ay galit na galit, matinding pagdurug emotionally ang naranasan ko simula ng mabaon sa debt ang business page ko about sofa and furnitures iba ibang mura,threats and hate ang nakuha ko lalo na noong ako na mag-isa ang nagmamanage ng business so now ito yung isa sa nagpapahirap sa akin now financially. Habang right now ay may matinding ingay ako sa paligid na naririnig sari saring mura at mukhang mga walang kabuluhang salita, normal naman ito dito pero ang masama lang talaga ay maraming oras na rin nasayang ng mga drama at ingay nila sa akin kung pagsasama-samahin yun nasa ilang lingho o buwam na rin yun na nawala sa akin dahil sa mga walang kabuluhang drama at ingay, na kung tutuusin kung aaksyunan ay ilang minuto o baka segundo lamg ayos na sa halip na puro reklamo ang gagawin. At ang nagsusuffer akong direct na nakakarinig ng mga ingay nila.

(Sana maghanap sila ng ibang makabuluhang gagawin sa buhay nila para hindi maghapong pag-iingay ang ginagawa nila dahil bukod sa oras natin na nawawala pati yung mood ko sa pag work sa business page debt ko na nahihirapan na nga ako sa pag convince ng mga may debt sa business page dahil yung iba nangtethreat at galit na, ay dagdag pa itong araw-araw na ingay ng nasa paligid ko na tila pati ipot ng butiki ay pinagrereklamuhan.)

(Masaya sila sa mga drama at walang kabupuhang ingay nila pero ang masama ako yung magsusuffer dahil sa tindi ng distraction na dinudulot nila sa akin pati ako nahahawa ng negativity nila sa life.)

(Sana makuntento sila dahil wala rin naman akong inaasahan sa kanila kahit isang candy, at puro sakit pa ng ulo binibigay nila.)

(Sa kapaligirang kung nasaan ako now talagang close to impossible ang growth, may nakapaligid sayong maghapong nagrereklamo sa life at sobrang ingay puro pagiingay ginagawa kahit pati ikaw naapektuhan na bukod yung oras na nasasayang bukod pa yung negativity na nakakahawa, tapos ang dami pang galit na galit sa akin dito na hindi ko alam kung naiingit lang or what, tapos yung paglabas ko ng isang beses sa isang araw tuwing madilim na ay pahirapan pa dahil nga binabantayan ng nasa paligid ko.)

(Kung tutuusin ayaw ko ng magsulat ng ganitong blog dahil ayaw ko namang magmukhang gumaganti o naninira ako ng sinumang nasa paligid ko pero sobra na sila halos malagutan na ako ng hininga at katinuan sa pinaggagawa nila so if ever na mangyari yun ay may record na maiiwan kung ano ang naging dahilan.)

(Pero napapansin ko bumabalik rin sa kanila mga tinatanim nilang pain and suffering sa akin, posibleng dahil totoo ang karma? What you give you get? Pero hindi ko naman hinihiling sa kahit na kanino yun dahil alam ko ang hirap na maranasang makarma sa mga mali kong nagawa very long time ago kaya pinipilit kong magpakatino now dahil mukhang totoo talaga ang karma, kaya sana magbago na rin sila.)

(Marami-rami na naman akong nasulat now dahil may maingay dito sa labas ng bahay hindi ko lang sure kong ako ang target ng ingay but kahit hindi man affected ako sa tuwing mag-iingay sila dahil super lapit lang nila sa kwarto ko, kaya talagang mahirap ang kawalang magawa sa life dahil kapag hindi mo talaga binusy sarili mo sa mga may kabuluhang bagay ay siguradong mabubusy ka sa mga walang kabuluhang bagay katulad nitong ginagawa nila ng mang istorbo ng mang istorbo gamit ang ingay nila.)

(December 01 na today so as usual expected ko na na hindi ako makakalabas here kahit sa bakuran ng pasko or bagong taon at kulong pa rin sa kwarto sana magsaya na lang sila at hindi naman po ako nagbabalak kumain ng kahit na anong ihahanda outside ng bahay kahit pa walang ihanda dito sa loob ng bahay, hindi dahil galit ako o nagmamayabang ako kundi dahil ayoko na ng problema at pwede pang gamiting rason yun para abusuhin ako dito.)

4:32pm sana lang hindi na nila e maximum volume ng ingay nila at magsaya na lang sila, dahil hindi ko naeemjoy ingay na ito wala akong natutunang kahit na ano, i feel bad amd negative about it + nadidistract lang ako sa halip na sa pag-work sa business page ko ako nakakafocus ay nadistract ako sa ingay nila na tila wala namang kabuluhan.

Day 48 - 49

8:05pm hindi ako nakapagsulat here whole day kahapon at mukhang nalimutan ko na kung bakit possibly dahil nawalan na ako ng oras dahil now m...