Friday, December 8, 2023

Day 15

12:53am nandito ako now sa labas ng kwarto ko, as usual kapag lumabas ako ng kwarto ko napupuno ako ng negative at toxic emotions dahil na rin siguro alam kong may nagbabantay sa akin dito sa labas ng bahay sa paglabas ng kwarto ko, pagkalabas ko may nakita akong kapirsong isda at isang pirasong pritong manok, yung kapirasong isda lang kinain ko hindi na yung pritong manok dahil akala ko galing sa labas pero binili pala ng kasama ko sa bahay pero ayos lang, issue rin kasi yun rito hindi ko alam kong yung ulam galing dito sa bahay o sa labas kaya madalas hindi ko na lang talaga kinakain kaso ang masama lang katulad nito wala ng toyo halos magtatyaga na lang ako nito sa bahaw, so isang beses na nga lang ako nakakalabas sa isang araw, bahaw pa nakakain ko tapos hindi na ako makapagulam ng kahit na ano dahil nga hindi ko na alam kung ano yung galing sa labas at hindi na pagkain, yung bahaw sigurado dito sa bahay galing at toyo. Again wala akong hate ayaw ko na lang ng issue at sana wag na nila akong magdamag bantayan sa paglabas dahil 100% kung iniiwasan yung pagkaing galing sa labas, kung kaunting tirang bahaw lang makakain ko ng isang beses sa isang araw ayos lang titiisin ko kasi nahihirapan na nga ako doon dadagdag pa ang pagbabantay nila tapos mag-iingay pa sila kung pwede namang matulog na lang sila o kumain ng pagkaing gusto nila o maghanap ng ibang makanuluhang pwede nilang gawin dahil sinasayang na nila oras nila sa pagbabantay magdamag sa paglabas at pasok ko ng kwarto, nasasayang din oras ko dahil kailangan ko pang umiwas sa liwanag at hindi makagawa ng ingay para dahil baka maaninag ako o marinig. Like now baka abutin ulir ako ng umaga dito dahil may nagsalita na naman sa paligid at nag-ingay right after kong lumabas ng kwarto a sign na nagbabantay sila.

6:24pm maghapong tahimik na naman sa kapaligiran, at posibleng magdamag na namang maingay as if may kinakain pa akong galing sa kanila, na pati yung pagkaing hindi galing sa kanila hindi ko na rin nakakain kaya halos bahaw na malamig na lang talaga once a day nakakain ko lalo at wala na yatang toyo kaya sana makuntento na kayo at pwede niyo namang kainin ang kung anong gusto niyo, wala na naman rin kasi akong choice here, nahihirapan na nga po ako sa maghapong nakakulong sa kwarto ko, pahirarapan niyo pa sa pagbabantay sa akin hindi na nga po ako nakain ng kahit na anong galing sa inyo e tama na po yun, makuntento na sana sila. Kanina may gustong iabot na pera sa akin yung isa sa kasama ko here sa bahay pero hindi ko na kinuha lalo at wala naman akong mabibili o mapaggagamitan noon dito, kahit isang candy hindi naman ako makakabili here kaya kanila na lang pandagdag sa pambili ng bigas lalo at baka sa labas pa galing perang yun.

(Medyo mahirap ito ha isang beses lang ako kakain ng bahaw na malamig sa isang araw ng buong araw hindi nakakalanghap ng hangin o nakakakuha ng direct sunlight tapos puro kulong na amoy ng urine pa naamoy ko whole day kaya patong-patong na panlalambot nararamdaman ko, kaya napapasabi na lang talaga ako ng sobra na sila.)

No comments:

Post a Comment

Day 48 - 49

8:05pm hindi ako nakapagsulat here whole day kahapon at mukhang nalimutan ko na kung bakit possibly dahil nawalan na ako ng oras dahil now m...