Wednesday, December 6, 2023

Day 13

3:08am nandito pa rin ako sa labas ng kwarto ko now puyat na puyat after kung lumabas para kumain ng bahaw, at tila may nagsasalita pa sa paligid na I'm not sure kung maagang gumising or hindi na lang talaga natulog kaya hindi ako makapasok, ano kayang nangyayari na sa kanila bakit tila lagi na silang walang magawa at binabantayan ang paglabas at pasok ko ng kwarto gayung nagtatyaga na lang naman din ako sa toyo at sa kung anong naririto kahit kapirasong itlog or isda na pang aso at pusa na lang, dahil Iwas na nga ako sa kahit anong pagkaing galing sa labas.

(Sa 10hours mula gabi hanggang umagang pagbabantay nila sa paglabas at pasok ko ng kwarto daily kung e multiply yun sa 30 days a month = 300 hours na yun sa isang taon × 12 = 3,600 hours yearly ang sinasayang nila sa pagbabantay sa akin magdamag almost half of their life na yun just imagine kung sa pagaaral ng skills like drawing,sports,business nila gamitin yun baka maging expert sila sa 3,600 hours a year na yun.)

11:36am napilitan na akong magrecord dito dahil magkabila na yung ingay ng bibig na naririnig ko na tila directed sa akin, isa sa gilid at isa sa hindi kalayuan, sana enjoyin na lang nila ang holiday lalo at magpapasko at bagong taon kumain sila ng gusto nilang pagkain at magsaya sila have a party, at gagawin ko naman po makakaya ko na hindi kumain kahit isang butil na kahit anong galing sa mga handa sa labas ng bahay kahit pa wala kaming ihanda dito, matitiis ko naman po yan wag na lang sana nila akong bombahin ng mga ingay nila at maghanap din sila ng makabuluhan nilang pwedeng gawin sa buhay. At wag nilang sayangin ang oras nila sa panghahate at pangiistorbo sa akin lalo at tinitiis ko na nga po na hindi ako makalabas ng kwarto ko here, hindi makapagsalita o makagawa ng ingay, whole day no kain kahit madalas yung bahaw at toyo kapag narinig ko ingay ng nasa paligid ko nawawalan na rin ako ng ganang kainin.

(Time is gold ikanga nila kaya wag naman sana nila sayangin oras nila sa akin, tama na po itong pagpapahirap na ito hirap na hirap na po ako at wag sana nilang dagdagan, at mag enjiy na lang sana sila lalo at malapit na magpasko at bagong taon.)

(Mahirap din kasi maging masaya kapag nagpapahirap ka ng iba, katulad nito pinapahirapan nila ako paano sila magiging masaya noon?)

(Focus na lang sana sila sa buhay nila kahit naman hindi na nila ako pahirapan dito ay talagang mahihirapan ako sa pag-iwas sa kanila dagdag pa yung business page debt na need ko bayaran at kailangan kong kumita ng pera habang nakakulong dito sa kwarto ko at gamit itong isang luma at tila malapit na ring masirang phone.)

(Sa sinusulat ko here hanggat maari hindi sila magmukhang masama, dahil hindi naman yun yung intention ko kundi e-record lang ang nangyayari lalo na pag hirap na hirap na ako dahil yun naman ang main purpose ng nebro na ito edetalye ang actual na nararanasan ko here.)

(Hindi naman ako galit sa kahit na kanino sa kanila, kailangan ko lang talaga e record ang mga nangyayari kasi minsan sumosobra na pagpapahirap nila sa akin at parang malalagutan na ako ng katinuan at hininga, kaya kailangan ng record para atleast kung manyari man yun naririto recorded ang rason.)

3:22pm kapansin-pansing tila may ingay na rin sa kabilang direksyon ng kwarto ko sa labas mukhang dadagdag na ito sa mga kakain ng oras ko, habang napansin ko nababawasan negativity na parang lason na sa paligid ko rito kapag nanood ako ng E.A.T. Online na ngayon ay nagagamit na nila ang final part na bulaga sa theme song dahil nanalo ang TVJ sa trademark, kaya ko sila sinusuportahan ay dahil isa ang programa nila sa nagpapanatiling matino pa sa akin dito kahit na puro hate at negativity na lang nalalanghap ko halos sa paligid ko dito na energy at hindi ko alam kong ano na nangyayari sa kanila.

7:03pm almost kapopost ko lang ng new product sa business page ko na Sofa and Furniture's, medyo matagal na rin noomg last akong nag post doon dahil bukod sa ilang mga pinagkakautangan ng page na hindi makaunawa sa situation ay baka under watch na rin ng mga naiingit sa akin or talagang wala lang magawa sa life kundi mangistorbo ng kapwa yung page so medyo big move ito now lalo at baka atakihin na naman ng inggit ang mga nanghahate sa akin kapag nakita yung post, ang maganda na lang siguro nilang gawin sa buhay nila sila magfocus at wag sa pagkakameron ng crab mentality, dahil kung ako nga na nakakulong lang dito sa kwarto ko ng almost 4 years na walang labas nakakisip ng ganito makahanap lang ng way para kumita, paano pa kaya silang may kalayaan na makalabas at kumain kahit kelan nila gusto?

(Posibleng e hate na naman ako at istorbohin ng todo ng mga nanghahate sa akin dito dahil sa pagiging active na naman noong business page ko pero ano po bang magagawa ko walang ibang susuporta sa sarili ko kundi sarili ko at hindi ko na pwede pang unahin ang inggit nila sa akin, kumilos na lang din siguro sila at wag magpakatamad at magpaka ampalaya sa buhay dahil siguradong hindi na maganda direksyon nila kung palagi silang ganun mas gusto pang manghatak ng iba pababa kesa ayusin ang buhay nila at sarili nila. Baon pa sa utang yung business page ko nito pero ganito na agad naiisip ko yung mga naiingit sa paligid ko na tila wala ng magawa sa buhay, paano pa kaya kapag nabayaran ko yung utang ng business page baka lalo na, posible ngang hindi nila gustong mabayaran ko yun para manatili akong alipin dito, wala na akong magagawa doon.)

(Ilan sa mga pagsubok sa akin here:
*Halos wala na akong ibang makain bukod sa bahaw at toyo dahil kapag may tirang ulam ang kasama ko here sa bahay kapag alam kong galing sa labas hindi ko na rin kinakain para wala ng issue sa kanila.
*Iniisip pa siguro nilang masaya ako kapag lumalabas ako mg isang beses daily para kumain kaya todo pagbabantay sila kahit mukhang maghapon naman silang kumakain, para alamin kung hindi na ba talaga ako kumakain ng kahit na anong galing sa labas?
*Sobramg sikip na nga nitong kwarto ko kailangan ko pang maging maingat sa pagkilos para hindi nila ako maaninag sa bintana or butas-butas dahil tila madalas wala silang magawa sa life kaya nabubusy sila sa walang kabuluhang mga bagay katulad ng pagbabantay sa akin.
*Wala akong mabibilhan ng kahit ano here kahit pa magkapera ako.
*Kailangan kong magingat sa bawat kilos ko na walang mainggit sa akin sa paligid ko dito.
Etc...)

7:47pm may ingay na ulit sa paligid now na nakakadistract din sa akin dahil pasok na pasok dito ingay nila, habang ako kahit ingay ng pagutot kailangan kong ingatan dahil mahirap din kapag lahat halos ng kilos ko at ingay dito binabantayan kaya pati pagsasalita hindi ko na magawa dito.

(Kahit online nagiging napaka ingat ko sa mga ginagawa ko dahil tila nga wala na silang magawa sa life at delikado ang mga taong walang magawa sa buhay kung ano-ano na papasok sa utak niyan parang tiyan na walang laman na kinakabagan, tila kahit lahat ng accounts ko online iniistalk nila at talagang ginawa na nilang purpose sa buhay ang pagsira ng buhay sana nga masaya sila sa ginagawa nila.)

No comments:

Post a Comment

Day 48 - 49

8:05pm hindi ako nakapagsulat here whole day kahapon at mukhang nalimutan ko na kung bakit possibly dahil nawalan na ako ng oras dahil now m...