Monday, December 25, 2023

Day 32

12:04am It's official pasko na December 25 today, at ang naririnig ko lang here now ay yung ingay ng nasa paligid ko, bakit kaya hindi na muna sila magpahinga at pasko na naman mag enjoy na muna sila inaaraw-araw naman kasi nila sobra na, wala namang ibang nakakarinig halos kundi ako at sumasakit ulo, ganito na rin naman dito nitong mga nagdaang pasko at bagong taon puro negativity.

3:48am katatapos lang halos magingay noong nasa paligid siguro naman nakapag noche buena na sila at masaya na sila, hindi ko lang sure kong tulog na sila or binabantayan pa akong lumabas nh kwarto ko now para sa pagkain ko ng bahaw at toyo once a day. At sigurado namang kung may makikita akong pagkain sa kusina na alam kong galing sa labas ay hindi ko kakainin, kahit pa toyo na lang talaga at bahaw yung natitira at lechon o anumang masarap na pagkaing galing sa labas para wala ng issue. So let's see kung magagawa ko now makalabas ng kwarto ko o hindi though tahimik na now sa paligid at malamig pero hindi ibig sabihin nito ay wala ng nagbabantay dahil mukhang hindi sila natutulog makita lang akong lumabas ng kwarto at hindi ko alam kong hanggang kelan nila ito balak gawin.

4:02am hindi pa ako makalabas nangalay na ako sa tapat ng pinto ng kwarto pero hindi ako makahanap ng pagkakataon dahil naririnig ko pa boses nila ibig sabihin noon hindi pa sila tulog at pwedeng nagbabantay, yun lang naman isa sa gusto ko wag na nilang bantayan magdamag ang paglabas ko ng kwarto at hindi naman po ako kumakain ng kahit isang candy na galing sa inyo e, at iniiwasan ko na nga kahit toyo lang e ulam ko. Mas mahirap now dahil ang liwanag noong ilaw sa labas sa may tapat ng pinto ko. Paskong pasko pero sakit ng ulo ang binibigay nila, hindi ba nila kayang ipahinga ito kahit isang araw at maghanap na muna sila ng ibang pagkakasiyahan lalo at pasko naman today.

11:30am naghahanap ako now ng way kung paano kikita yung business page dahil napansin ko halos ang tagal na mula noong huling nakabenta ito ng COD, naisip ko lang na medyo mahirap rin kahit na magawa kong pakitain yung page dahil may maingay sa paligid ko na tila laging walang magawa sa life at tila bantay sarado nila yung fb page ko kaya alam nila kung kelan ako nakakabenta o hindi doon, baka pagnakabenta ako doon mas guluhin ako nila sa ingay nila, ngayon nga pasko pero mukhang maghapon lang silang magsasalita dito sa paligid at magpapanggap na masaya. Nakakapagtaka lang din na tila nawala na talaga yung presensya ng ibang tao sa paligid na para na silang naglahong bigla at yung nag-ingay na lang magdamag at buong araw ang maririnig dito.

No comments:

Post a Comment

Day 48 - 49

8:05pm hindi ako nakapagsulat here whole day kahapon at mukhang nalimutan ko na kung bakit possibly dahil nawalan na ako ng oras dahil now m...