Monday, December 18, 2023

Day 25

2:15am puyat ako now nagising na lang ako kanina may nag-iingay na sa paligid, pero hindi siya paingay for new year kung hindi bibig, bago may na emergency sa labas nag peak ang ingay ng bibig na ito so hindi ko sure kung may kinalaman ito doon, so isa pa ito sa mga challenges here sa akin now bukod sa hirap sa pagbabayad ng business page debt ko dahil nga hindi rin ako makalabas, ni sa kwarto ko hirap akong lumabas like now bukas yung ilaw sa labas ng kwarto ko at mas madali akong makikita ng nagbabantay na mukhang hindi na nga sila natulog mukhang itutuloy na nila ito hanggang umaga though tumigil na yung ingay. Posible kayang iniisip nilang na eenjoy ko yung kinakain kong bahaw na may sabaw na toyo? Until now sa tuwing lumalabas ako once a day sinisigurado ko pa ring wala akong makakain na galing sa labas kahit gulay, hindi dahil galit ako kundi dahil ayoko na ng issue dahil yun ngang business page debt hirap na hirap na akong maayos dadagdagan pa ba naman nila? Lalo at magpapasko at bagong taon naman magsaya na lang sana sila enjoy, go out to party and eat at wag na akong pagtripan pa, dahil sa kawalan nila ng magawa sa buhay nasasayang na yung oras nila sa pagpapasakit ng ulo ko nasasayang din oras ko dahil nakakaparalayzed na rin minsan ingay nila pati utak ko parang naghahang na minsan dahil sa ingay nila, at ang mas masama pa pag gabi or hating gabi like this madalas nagpepeak ingay nila so ako napupuyat lalo at maghapon pa akong walang kain at nakatutok sa pagayos ng business page debt ko, like this need ko ng funds dahil may need bilhin para patuloy kong maasikaso yung business page hindi naman sila makakapag ambag doon kahit piso tapos papatungan pa nila ako ng sakit ng ulo dahil sa ingay nila, bukod pa yung ngarag ko dahil almost 24/7 nga akong hindi nakakalabas ng kwarto ko na kulong yung hangin, walang direct sunlight at wala akong ibang makita kundi pader at kisame. Bakit hanggang ngayon hindi sila makahanap ng iba mas makabuluhan nilang pwedeng gawin? Kung sila ngang halos buong araw nasa labas nabobored paano pa kaya akong halos 4 years ng hindi nakakalabas ng bahay at tapak sa lupa? Tapos babantayan at pagpupuyatan pa nila ang paglabas ko ng isang beses sa isang araw kahit wala naman akong kinakaing galing sa kanila? Hindi na normal itong ginagawa nila at hindi ko rin alam kong ano na mga nangyayari sa labas. Sinusubukan kong isulat ito as best as i can na walang nasisiraan kundi pure experiences ko lang dito dahil talagang ito naman nararanasan ko here.

(Bakit parang wala silang balak matulog hanggat hindi nila ako nakikitang lumalabas at pasok ng kwarto ko? Parang araw araw bagong taon kung ganito lagi nilang pinagpupuyatan pagbabantay sa akin sa paglabas ng kwarto ko, mauunawaan ko yun kung yung kakainin ko sa labas ng kwarto ko ay galing sa kanila o bigay nila pero yun na nga hindi e, kaya hindi ko maintindihan why.)

(Dito na lang ba nila sasayangin ang oras nila? Sa pagbabantay sa akin mula gabi hanggang umaga ng hindi natutulog? Ilang oras nagagastos nila doon? 4,5,6,7 or 8 hours o baka higit pa? Hindi ba sila naniniwala sa kasabihang time is gold kaya ganun na lang nila sayangin oras nila? Kung sa araw-araw yung same na dami ng oras na gingugol nila sa pagbabantay sa akin magdamagan ay sa pagkatuto ng skill nila ginagamit baka mamaster nila yun in one year like drawing or chess.)

(Saka hindi kung iniisip nilang naeenjoy ko yung pagkain ng malamig at matigas ng tirang bahaw ng kasama ko dito sa bahay at kung may ulam mang hindi galing sa labas, at kung wala ayos lang naman sa aking magtyaga sa toyo, ay hindi dahil sino bang masisiyahan na puro malamig at matigas na lang kakainin mo isang beses isang araw tapos mahihirapan ka pang lumabas dahil may todo bantay sayo na iniisip na naeenjoy ko pa yung kinakain ko? Kung nagdududa sila pwede naman nilang subukang gawin na almost 4 years nakakakulong sa isang bahay almost whole day araw nakakulong sa isang maliit na kwarto na halos wala ng hanging pumapasok at direct sunlight tapos puro amoy ng urine naamoy dahil nga hindi rin ako makalabas para umihi, kung sa gabi na madilim pahirapan pa akong lumabas paano pa kaya kapag umaga, tapos may binabayaran pang online business debt na resulta ng mga nanloko sa aking partners before, tapos pahirapan pang lalabss isang beses a day dahil maynagbabantay na madalas pang sobrang ingay at sakit sa ulo na nakakapagpapuyat pa, para lang makakain ng kaunting bahaw at toyo at kung may tira mamg ulam basta hindi galing sa labas para wala ng issue. Magagawa kaya nilang maging masaya sa ganun? Literal na torture nangyayari sa akin here kaya hindi po ako masaya, lahat ng karapatan ko halos bilang tao tanggal na e ni yung magsalita nga hindi ko na nagagawa here dahil maririnig pa ako, kaya Impyerno talaga ang bagay na title sa volume na ito ng diary ko.)

2:42am so kasalukuyan akong naghahanap ng pagkakataong makalabas ng kwarto ko, medyo mahirap ito dahil tila nagsasalita pa sila at gising at bukas at maliwanag yung ilaw sa tapat ng pinto ng kwarto ko so kapag lumabas ako aninag na aninag nila. Hindi ko maunawaan kung ano nakukuha nila rito sa ganitong gawain. Pati ako nasasayangan din ng maraming oras.

(Sobra na nga akong namamayat sa ginagawa nila sa akin dito hindi pa ba naman sila kuntento? Pwede naman silang kumain na lang o maghanap ng pwede nilang paglibangan, hindi yung mambulabog ng pagiingay magdamag at bantayan ang paglabas ko ng kwarto lalo at wala naman po akong ibang ginagawa sa labas ng kwarto ko kung hindi hugasan yung nilalagyan ko ng urine at kumain ng bahaw with toyo and kung may ulam man na hindi galing sa labas kahit pa yung isdang pang aso at pusa pagtatyagaan ko at wala akong reklamo doon kahit umay na umay na ako. Hindi pa ba sapat yun? Kasalanan ko pa bang bored na sila at walang magawa sa life? Namomroblema pa nga ako jung paano ko babayaran yung business page debt ko na posibleng ayaw nilang mabayaran ko dahil posibleng gusto rin nilang nakikitang nahihirapan ako, misery loves company sabi nga ng iba.)

2:57am sobrang sama na ng amoy ng urine here sa loob ng kwarto ko, kaya siguro hindi na rin ako nakatulog dahil bukod sa ingay ay nagiinit na mata ko sa amoy ng urine na para akong sumisinghot ng gas dito kaya hindi rin pwedeng hindi ako makalabas dito sa kwarto ko today, pero mukhang nagbabantay pa rin sila at gising so need ko pang magantay.

3:59pm working ako now sa business page ko, kahit medyo hindi maganda pakiramdam ko dahil sa puyat na inabot ko sa tindi ng ingay ng nasa labas magdamag kagabi kaya para akong lutang now at kulang ako sa tulog.

No comments:

Post a Comment

Day 48 - 49

8:05pm hindi ako nakapagsulat here whole day kahapon at mukhang nalimutan ko na kung bakit possibly dahil nawalan na ako ng oras dahil now m...