Tuesday, December 19, 2023

Day 26

4:02pm puyat na naman ako dahil ang ingay na naman magdamag kagabi at halos hindi na naman ako nakatulog, nakabili na rin ako ng new second hand phone today na naorder ko online galing sa funds na na raise ko sa business page dahil mukhang anytime from now ay pwede ng masira itong phone na gamit ko now lalo at nakaangat na yung screen niya at wala naman na akong mahigiraman ng phone fito oras na masira ito kaya need kong makabili ng new phone na nagawa ko naman today kaso utamg lang din sa business page yung perang binili ko noon at ang problema ko naman now ay kung paano ko yun mababayaran.

8:03pm ito na naman naguumpisa na naman ang ingay ng bibig, ilang araw na akong puyat dito talagang ang sakit sa ulo dahil kapag kumagat na ang dilim naguumpisa na ang ingay bakit nila tinatrabaho ito gabi-gabi? Ang init na ng mata ko sa ilang araw na puyat. Kakaibang klase itong ginagawa nila. Lalo na at kapag nag-umpisa ng umingay bibig nila pagkagat ng dilim ay tuloy tuloy na at walang hinto hanggang umaga. Wag lang sana nila akong pagtripan lalo na kung wala lang silang magawa sa life, marami naman silang pwedeng gawin lalo at magpapasko at bagong taon like kumain or lumabas, dahil patong-patong na nga problema ko now dafagdag pa ingay nila. Lalo at ako naman yung buong araw na hindi kumakain here at hindi sila, bakit parang baliktad at sila pa yung nawawala sa wastong pagiisip.

(Nakakahanga na ginagawa nilang pagiingay gabi-gabi dahil sa consistency, saan nila nakukuha ang energy at drive para dito na kung saan halos hindi na sila natutulog?)

(Hanggang kelan ko kailangang tiisin itong ingay ng bibig nila na halos 10 to 12 hours a day oras na magumpisang umingay ay hindi na tumitigil at napaparalyzed na lang utak ko sa ingay at mukhang talagang namaster na nila. At ang mas nakakahanga pa rito ay mukhang wala naman silang sinasabi pero non-stop ang pagsasalita nila magdamag.)

(Sa ganitong kalagayan kahit wala kang depression siguradong madedepressed ka, ayos lang naman siguro ito kung may inaasahan ako sa kanila kaso mukhang wala na, umiiwas ako sa mga pagkaing galing sa kanila, ako na nagugupit sa sarili ko dahil nga hindi na rin ako makalabas, pati nga yung basic rights kong lumabas ng kwarto ay hindi ko na magawa dahil tila binabantayan nila hindi lang paglabas ko ng kwarto kundi lahat ng ginagawa ko araw-araw, kahit nga isang pirasong candy hindi ako majapagpabili rito dahil tila lahat ng kilos ko rito ay may nakatutok at bantay.)

(Bakit hindi na lang sila kumain at tumahimik? At kailangan pa nilang mambulabog magdamag ng taong may ginagawa, bakit hindi sa matino at makabuluhang bagay nila gamitin ang oras at enerhiya nila? Can you imagine kung sa makabuluhang bagay nila ginugugol yung magdamagang pagiingay nila, baka within 1 year successful na sila lalo at unlike me hindi naman siguro sila baon sa utang at may sumusuporta. Bakit dito pa nila kailangang ubusin ang oras nila at at enerhiya sa pambubulabog sa akin magdamag, ako ang pinakanagsusuffer dito dahil ako ang pinaka direktang natatamaan ng ibgay nila here e.)

(Sobra na sila e, pwede naman sigurong hindi nila trabahuhin ito gabi-gabi.)

(Ang sakit na ng ulo ko e dahil sa ilang araw na ingay nila, pati mata ko ang init na ng singaw. Wala na ba silang makitang ibang pwedeng makabuluhang gawin?)

9:14pm halos nangingimay na dalawa kong kamay, ang sama na rin ng nalalasahan ko bibig ko at kapit na kapit na ang urine sa lalamunan ko. Habang tila nakabantay na naman sila sa labas na tila gabi-gabi na nilang ginagawa bukod sa pag-iingay. Sa ganitong kalagayan kong talagang may depression ka or mababa stress tolerance mo talagang bibigay sa tindi ng sakit ng ulo na binibigay ng nakapaligid sa akin.

(Pero yun na nga dahil sa mga nararanasan ko rito natatrain akong maging resilient emotionally, na para akong bakal na dinadarang sa apoy. Kaya siguro manhid na ako sa hate at emotional attacks, dahil araw-araw akong napapraktis sa mga nararanasan ko here, kaya siguro ang daming nagpapakamatay nowadays lalo na kabataan ay dahil mahina sila emotionally, kahit physically and mentally strong sila posibleng emotional weakness ang rason kung bakit sila madaling bumibigay at nagpapakamatay.)

(Nakakapagtaka dahil tila buong araw at magdamag na lang silang nakabantay sa labas at mukhang tuloy-tuloy na nilang gagawin ito hanggang pasko at bagong taon. Saang direksyon sila patutungo sa ganitong mga gawain?)

10:22pm mukhang magdamagan na naman nila ako babantayang lumabas ng kwarto ko, kung tutuusin wala na rin akong gana pa halos lumabas ng kwarto ko dahil wala rin naman ako halos ibang nakakain doon kundi paulit-ulit na bahaw at hindi naman ako nakain ng pagkain ng alam kong galing sa labas, kundi lang talaga dahil sa sobramg sama ng amoy na urine dito sa kwarto ko na madalas para na akong sumisinghot ng gas. At ang daming sugat sa loob ng bibig ko now.

(Kung magpapasko at bagong taon na mga ganito pa sila, paano pa kaya pag natapos na ang pasko at bagong taon posible bang mas lumala pa?)

No comments:

Post a Comment

Day 48 - 49

8:05pm hindi ako nakapagsulat here whole day kahapon at mukhang nalimutan ko na kung bakit possibly dahil nawalan na ako ng oras dahil now m...