11/24/23
Around 11:51am now habang ako ay nagtatype dito.
So ano nga ba ang naging dahilan para isulat ko ang nebrong ito?
Kahapon halos two days na akong hindi kumakain hindi dahil sa walang pagkain kung hindi dahil tila may nagbabantay ay nagagalit at naiirita sa tuwing lalabas ako para kumain, hindi ko na rin gugustuhin pang magsulat about it at titiisin ko na lang sana dahil mukhang ganun talaga sila pero sobra na sila.
Katanggap-tanggap siguro yun kung sa kanila galing yung kinakain kong bahaw sa labas pero hindi binili yun ng kasama ko sa labas ng kulungan ko, hindi na nga po ako umaasa ng kahit na ako sa paligid ko at kahit isang butil na pagkain kapag alam kong galing sa labas hindi ko na kinakain kahit pa isdang pampakain sa mga alagang aso na lang kainin ko ng kasama ko rito, pero sobra na hindi ko na kaya.
Kahapon iba na yung pagkaliyo ko sa tindi ng amoy ng urine dito sa loob ng kwarto ko at dahil na rin siguro sa gutom para na akong masisiraan ng bait dagdag pa nga rito ang almost 2 days na rin akong hindi nakakain dahil nga sa pagiwas ko sa tila nagbabantay sa paglabas ko, hindi ko alam kong ano na nangyayari sa kanila pero sana naman tantanan na nila ako at maghanap sila ng ibang magagawang makabuluhan sa buhay nila. Lalo at hindi na naman ako kumakain o tumatanggap ng kahit anong galing sa kanila hindi dahil galit ako kundi dahil ayaw ko na ng problema pero ganun pa rin ayaw pa rin akong tantanan.
Tinitiis ko na nga pong hindi ako nakakapagsalita dito, nakakalabas at amoy ng sariwang hangin, tapak sa lupa or kahit masikatan ng direct sunlight makaiwas lang, hindi pa ba naman sila kontento? Ano bang dahilan? May problema na ba sila sa pag-iisip? Ako yung laging walang kain pero mas nauna pa silang mawala sa katinuan? Sana maghanap sila ng ibang matino nilang magagawa sa buhay at ng umunlad sila hindi yung ako pagdidiskitahan.
Sobra na... Ito na lang ang mga salitang nabigkas ko kahapon habang hirap na hirap at hinang-hina na nagaantay ng pagkakataong makalabas ng aking maliit at masikip na kwarto dahil may nag-iingay pa sa gilid, na nagumpisa around 7pm at inabot na tila ng 5am ng umaga. Ano ng nangyayari sa kanila? Kaya halos puyat na rin ako now dahil sa ingay nila. Bakit hindi na lang nila enjoyin ang buhay nila at kumain ng masarap?
Hanggat maari ayaw ko ng magsulat ng ganito dahil ayaw ko ng magmukhang may sinisiraan pero sobra na... Sa nararanasan kong ito now anytime pwede na lang ako ditong bumulagta dahil sa panghihina sa gutom at kawalan ng direct sunlight at sariwang hangin at hindi pa sila kuntento?
Ano bang gusto nila? Bakit hindi na lang sila mag focus sa buhay nila? Sobra na...
Kahapon nakalabas ako kahit alam kong binabantayan pa rin ang paglabas ko ng nasa labas, hindi ko na maunawaan lalo at isa ito sa pinakaayaw ko ang lagi akong pinagmamasdan or tinititigan, at yung pagkaing sa sahig ko pa ng banyo kinain ay natapon pa halos kalhati dahil mahirap din naman talagang kumain sa sahig ng banyo bukod sa maraming lugar na marumi ay more likely rin na may matapon sa dala ko at madumihan. Bago ko kinain yung kaunting bahaw doon sinigurado ko munang walang kahit na anong galing sa labas para wala na akong problema pa kinabukasan kapag kumain ako ng kahit anong galing sa labas bukod sa binibili mismo ng dalawang kasama ko dito sa bahay, dahil pakiramdam ko sa tuwing may kakainin akong galing sa labas ay may kasalanan akong ginagawa. Kahit yung biscuit na inuutang or binibili ng dalawa kong kasama dito ay iniiwasan ko na rin dahil kahit pera nila mismo gamit nila doon galing pa rin sa labas yun at ayaw ko ng gamitin pang rason ang pagkain ko noon para pagmukhain akong masama dahil sobra na... Dahil nga rin sa kakaunti lang ang bahaw na nakain ko kagabi at natapon pa halos kalhati ng pagkain sa sahig ng banyo ay nanghihina pa rin ako now, gusto ko lang maging normal at makakain ng kahit isang beses sa isang araw ng bahaw at kahit toyo ang ulam may masama ba doon? Sobra na sila...
Sa sahig ng banyo tayo kumakain dahil alam nating doon makakasure tayo na atleast hindi tayo maaninag sa labas kahit gusto ko ring patayin ang ilaw doon kapag napunta ako doon, ay hindi pwede dahil nagagalit yung isa sa kasama ko here kapag pinapatay ko ilaw doon sa tuwing lumalabas ako, para makasure din na hindi ako maaaninag ng nasa labas na tila nagbabantay at nagagalit sa tuwing nalabas ako. Laruan ba nila ako? Gamit ba nila ako? Saan galing karapatan nila? Ang pinakamalaking kasalanan ko lang naman siguro ay ang dalhin ako ng nanay ko dito noong sanggol ako? Sobra na sila...
Sa ngayon ito tatapusin ko lang ang pagtatype ko rito bago ako tumungo sa pagsusulat ng bago page ng Leobreaker tagalog fantasy book ko na aim ko araw-araw makaupload ng new page then sa TVJ support page naman para share yung kanilang live at mga new updates dahil tagahanga rin ako ng program nila from eat bulaga to E.A.T. Lalo na noong mga panahong sobrang bagsak ako sa kalungkutan dito yung mga videos at live nila isa sa nakakatulong sa aking mabawasan ang pagdurusa ko rito.
Need natin ng record so if ever na bigla na lang akong malagutan ng hininga sa mga nararanasan ko dito ay atleast may data kung bakit, lalo at kahapon matapos kong bumalik galing sa may kusina papasok sa kwarto ko para ng nagdidilim paningin ko at bumibilis tibok ng puso ko, sobra na talaga sila...
Kahit sinong tao ang nasa same na kalagayan ko dito mukhang pwedeng masiraan ng bait or magkasakit sa mga nararanasan ko dito. Pinipilit nating hindi magtanim ng galit or poot kahit kanino kahit minsan ay sobra na talaga sila... Ang mahalaga now ay may record tayo sa paghihirap na nararanasan ko dito.
Hindi ko sure kung makakalabas ako mamaya but sa nararamdaman kong panghihina now ay need nating lumabas at kung nagdilim na paningin ko kahapon matapos ang almost 2 days na hindi nakakain ay poaibleng mas matindi mangyari sa akin kapag inabot ulit ako ng almost 2 days na walang kain. Palampasin na sana nila na isang beses ako nakakalabas sa isang araw sobra naman para na silang mg Diyos na ididikta kong anong pwede kong gawin at hindi as i said ayos lang yun kung may pagkaing galing sa kanila pero yun na nga hindi na rin naman ako kumakain ng pagkaing galing sa labas kaya tama na at mag enjoy na lang sila sa life nila at tantanan na nila sana ako.
6:25pm now mukhang ito na naman maghapong tahimik possibly natulog mga magbabantay sa aking lumabas? So babantayan na naman ako tonight magdamag habang nagiingay? Ano bang dahilan? Hindi naman ako nakain ng galing sa kanila. Kahit magtiis lang ako sa tuyo at bahaw ayos na ng isang beses sa isang araw para may enerhiya ako sobra na talaga sila.
At paglabas ko magagalit at magiingay na naman sila? Parang awa niyo na... Tantanan niyo na ako. At maghanap na lang sana sila ng ibang makabuluhang gagawin. At wag naman na po silang mag-alala dahil kapag alam kong ang pagkain ay galing sa kanila ay hindi ko naman po sigurado kakainin para wala ng problema.
11:35pm lumabas na ako kanina habang may pagkakataion pa ng aking kwarto para kumain ng bahaw dahil kakaunti na lang yung tinira sa akin na bahaw kinailangan kong ingatang hindi matapon yun, habang now ay may mga nagagawa sa kalsada kaya tahimik din ang paligid now. Sa akin namang online business page ng furnitures and sofa ay wala pa tayong ganung kinikita ulit at medyo nag-aalangan akong magpost doon dahil baka may maingit na naman na makakita online.