4:32am Ito na naman ang aga may naririnig na ulit akong bibig sa paligid, pasko pa naman bukas pero ito pa ang tatrabahuhin nila it seems today. Talagang mukhang wala na silang balak magbago at ito na talaga ang purpose nila sa buhay. Wala akong magagawa buhay nila yan, ang problema lang talaga ako pinaka nagsusuffer sa noise pollution na ginagawa ng bibig nila dahil yun nga buong araw na nga akong nanlalambot dahil hindi makalabas ng kwarto ko para huminga ng hangin o mainitan ng araw, dadagdag pa yung ingay nila na mukha namang hindi necessary. Ito nga nasa labas ako ng kwarto ko now kalalabas ko lang din halos at paramg nilalagnat pa ako at mainit, tapos sasabay pa pagiingay nila na ang aga. Negative na agad naramdaman ko dahil narinig ko na naman boses nila.
(kakaiba silang mag-aksaya ng oras pati gana mo sa buhay mawawala pag narinig mo yung mga reklamo at ingay nila, kahit tahimik sila ramdam mo yung negative atmosphere.)
(At siguro posibleng iniisip pa nila na tuwang-tuwa at ang saya-saya ko kapag lumalabas ako ng kwarto ko isang beses isang araw para kumain ng natirang malamig na bahaw at toyo at lung may ulam o pagkaing alam kong hindi galing o bigay sa labas, pero ang reyalidad ay hinang-hina na ako at lambot na lambot na, tapos need ko pang magdala ng oangharang habang dala yung lalagyan ng urine habang umiiwas sa mga butas at bintana para hindi maaninag, kaya minsan kahit wala na talaga rin akong ganang lumabas ng kwarto ko need kong gawin dahil ang sakit na sa ilong at hapdi sa lalamunan ng amoy ng urine na nakukulong sa kwarto ko. At ang mas hindi pa ganun kaganda dito ay mukhang proud pa sila sa ginagawa nila. Wala na akong magagawa doon ipagpatuloy nila kung masaya sila at magiging successful sila sa ginagawa nila.)
(Hindi ko alam kong natulog sila or what, kahit ang lamig-lamig. Mukhang ang tindi ng motivation nila kung sa ibang makabuluhang bahay sila nagpupuyat magdamag baka naging successful na sila noon.)
(Wag na sana silang mag-alala, kung ikinakatakot nilang magiging masaya ako dito parang imposible naman yun, ni maging normal na tao nga hindi ko na magawa rito, maging masaya pa ba? Kaya success na sila kung yun yung goal nila sa life ang sirain ang buhay ko. Pero ang issue paano kung totoo yung konsepto ng karma? Hindi ko hinihiling sa kanila yun dahil hindi rin naman ako perpekto, pero wala akong magagawa dahil hindi naman by chance yung mga ginawa nila at desisyon nila yun.)
No comments:
Post a Comment