Tuesday, December 26, 2023

Day 33

12:02am Natapos na yung pasko December 26 na today though hindi ko naman naramdamang pasko dahil nakakulong lng naman ako dito sa loob ng kwarto ko whole as usual for almost 4 years at wala rin naman akong nakain kahit ano lalo at kapag lumalabas naman ako ay hindi naman ako kumakain ng kahit anong galing sa labas, kaya kadalasan nagsasabaw lang ako ng toyo sa bahaw at kung may tira mang isda kahit pang aso at pusa.

12:16am Akala ko walang tao dito sa paligid but just now may narinig akong nagmura, ibig sabihin may nagbabantay at tahimik lang baka hanggang umaga na naman ito gawin, hindi ko lang sure baka mag-ingay maya-maya pag pinatay na yung ilaw here.

(Bakit kaya galit na galit sila sa akin, hindi naman ako kumakain ng kahit isang butil na alam kong galing sa kanila, iniiwasan ko na nga sila, kahit isang candy wala rin akong mabibili here kahit may pera ako dahil mukhang lahat ng kilos ko here binabantayan. Kahit po bantayan nila ng todo ang paglabas ko ng kwarto e hindi naman po ako kakain ng kahit anong galing sa kanila para wala ng issue, sana naman ay na enjoy na nila itong whole day ng pasko at mukha namang maghapon silang nasa labas at nakakain ng masasarap at nakapagsaya. Wag na sana akong idamay kasi lumalabas lang naman ako para kumain ng bahaw at kahit toyo na lang kung wala talagang ibang ulam kundi yung galing sa kanila.)

(Yun ngang hindi ako kumakain o umaasa ng kahit anong galing sa kanila galit na galit na sa akin pasko pa ito, paano pa kaya kapag kumain ako ng kahit isang butil or bumili ng kahit isang candy.)

(Sana happy sila sa Christmas nila at sa ginagawa nila sa akin.)

(Umiiwas ako sa kanila dahil nakakahawa pagiging ampalaya nila in life kaya minsan nagiging ampalaya na rin ako yun ba namang maghapong puro pagmumura at mga reklamo sa buhay naririnig ko sino ba naman ang hindi magiging ampalaya noon?)

(Pahinga muna sana sila today sa pag-iingay at na enjoy na naman siguro nila ang christmas at wala naman silang magiging issue sa akin dahil kahit magtambak pa yung pagkaing galing sa labas ay sure namang wala akong kakaining kahit isang butil from them.)

12:27am naisip ko lang din na posibleng may inaasahan pa yung mga nakapaligid sa akin dito sa aking malaki, parang nakakatawa na yun dahil unang una isang beses lang ako nakakain ng bahaw with toyo daily, tapos nahihirapan pa akong alamin kong yung pagkain ba ay galing sa labas o hindi kaya madalas din hindi ko na kinakain kapag hindi ko sure na hindi galing sa labas, tapos whole day rin ako halos nanghihina at nanglalambot at hindi na rin nakakapagisip ng maayos dahil nga nakakulong lang ako dito sa kwarto ko at puro nakulong na amoy ng urine naamoy at hindi makaamoy ng sariwang hangin ni hindi ko na nga matandaan kung kelan ako huling nakatapak sa lupa. Kaya sa tingin ko na napaka illogical na na may eexpect pa sila sa akin dahil halos lahat ng karapatan ko dito as human ay tanggal na. Yun ngang pagsasalita hindi ko na rin magawa here dahil maririnig. No hate here though it might be deserving of thaf pure facts lang talaga.

(Wag na naman sana na nilang isiping tuwang tuwa pa ako kapag lumalabas ng kwarto ko habang hinang-hina at lambot na lambot na, para kumain ng bahaw at toyo at kung may ulam na hindi galing o bigay sa labas, parang ginagawa na nilang prize at para bantayan nila ng todo habang sila 3 times o baka higit pa ang pagkain a day, hindi ko talaga makita ang logic sa ginagawa nila it doesn't makes sense. Tanggap ko na namang wala akong aasahan sa inyo bakit need pang magbigay ng sakit ng ulo?)

1:49am na ng madaling araw tahimik pero hindi ibig sabihin walang nagbabantay, kahit hindi ako kumakain ng kahit na isang butil na alam kong galing sa kanila bakit kaya tila todo bantay pa rin sila kapag lumalabas ako ng kwarto ko. Para ba e confirm na hindi nga ako kumakain ng kahit anong galing sa labas? Bakit hindi nila itanong doon sa mga kasama ko dito sa bahay para ma confirm nila. Todo na yung pahirap at pasakit na binibigay nila sa akin, katanggap tanggap pa siguro yun kung may inaasahan or kahit isang butil akong kinakain from them kaso wala. At kung meron man sugurado namang babayaran ko yun once kumita na ako, kaso pinagtatrabahuhan naman noong isang kasama ko here sa bahay yung kinikita niya na ibinibili ng bahaw pero kahit ganun i think need ko pa ring bayaran so no issue dahil pera lang naman yun at pwedeng kitain anytime soon, ang issue dito yung pagpapahirap at pagpapasakit nila sa akin kahit hindi ako magtanim ng galit e paano kung totoo yung karma? Hindi ko rin naman gugustuhin yun para sa kanila. Basta ako iwas na lang ako sa kanila at mag-enjoy na lang sila at wag silang magalala dahil hindi naman ako kumakain at nagbabalak kumain ng kahit anong galing sa kanila.

(Posible ngang iniisip nilang kakain ako ng kahit anong galing sa labas dahil pasko, pero nakakatawang isipin matapos nila akong gutumin ng buong taon at pahirapan sa tingin nila enjoy na enjoy akong mag-aantay ng pasko para kumain ng isang beses ng galing sa kanila. That's insanity.)

1:57am as of now medyo naliliyo na ako, at tahimik sa paligid but as i said hindi ibig sabihin noon na walang nagbabantay at nagpupuyat at kung masaya sila sa ginagawa nila ituloy na lang nila hanggang 2024 at who knows baka may makuha silang success.

9:21am nakalabas ako kanina ng kwarto ko kahit alam kong may nagbabantay sa labas, akala ko wala akong makikitang ulam pero may nakita ako kaso mukhang galing sa labas kaya hindi ko n kinain, kung hindi man galing sa labas ayos lang may isda namang pang aso at pusa na pwede kong kainin, may mga chocolate din at biscuit pero hindi ako kumain kahit isa lalo at siguradong lahat yun ay galing sa labas. Isa lang ang rule ko here pagdating sa pagkain basta hindi galing sa labas kakainin ko para wala ng issue kaso madalas talaga bukod sa bahaw at toyo ay yung isdamg pang aso or pusa na lang din pwede ko kainin, like now nandito yung isa kong kapatid na babae may inabot sa aking isang pirasong biscuit like chocolate kinuha ko at ngayon lang yata ako ulit nakatikim halos ng may asukal dahil yun naman hindi gling sa labas mukhang kanya mismo yun. Kaya rin siguro madalas akong nanghihina at nanlalambot dahil madalas wala ng sustansya katawan ko sa dami ng pagkaing dapat kong iwasan here kaya halos bahaw na lang talaga nakakain ko at toyo, kaso yung toyo napaisip ako posible kayang galing din sa labas? So need ko na ring iwasan yun?  So bahaw na lang talaga na malamig once a day makakain ko here?

No comments:

Post a Comment

Day 48 - 49

8:05pm hindi ako nakapagsulat here whole day kahapon at mukhang nalimutan ko na kung bakit possibly dahil nawalan na ako ng oras dahil now m...