Wednesday, January 3, 2024

Day 41

5:08am hindi na ako lumabas ng kwarto ko para kahapon so today aabutin ako ng halos 2 days na hindi nakakakain at labas ng urine ko here, yung no kain kakayanin ko siguro pero itong urine na nagaamoy gas ang nahihirapan ako lalo at minsan sa bagsik ng amoy napapaluha na mata ko at nangangati ng todo lalamunan ko na para na akong masusuka at hindi makahinga. Nawalan na rin ako ng ganang lumabas dahil kahit tahimik at madilim sa labas ng kwarto ko mukhang todo pagbabantay pa rin sila sa paglabas ko ng kwarto magdamag dagdag pa yung wala naman ako halos ibang kakainin doon kundi bahaw at toyo lalo ngayon na vegan na ako hindi naman ako nakain kahit gulay o prutas kapag galing sa labas para no issue na. At sana maghanap sila ng ibang pagkakaabalahan hindi yung bantayan magdamag paglabas ko ng kwarto lalo at wala naman akong kinakain ng alam kong galing sa labas kahit isang candy kaya wala na silang dapat pang bantayan at sila na lang kumain.

10:41am currently akong pinapagalitan ng kasama ko here sa bahay fahil hindi raw ako kumain kahapon, kahit man gustuhin ko ano magagawa ko nawalan na ako ng gana dahil bukod sa toyo at bahaw na nga lang kakainin ko ay mukhang may nagbabantay pa sa diliman kahit tahimik, bakit kasi hindi na lang sila matulog? Kumakain naman siguro sila ng 3 times a day or more.

(Nagiging normal routine here now ay ang hindi ako makakain habang nakakulong sa kwarto ko buong araw at may nagbabantay sa paglabas ko ng kwarto na tila pag kumain pa ako ng bahaw at toyo ay parang may kasalanan pa ako sa kanila kahit hindi naman sa kanila galing yung pagkain dahil umiiwas na nga ako sa mga pagkaing galing sa labas para wala ng issue pero mukhang may issue pa rin sila, then pag nawalan naman ako ng gana lumabas once a day para kumain ng bahaw at ilabas urine ko ay pagagalitan at pagdadabugan naman ako ng kasama ko here sa loob ng bahay ko dahil bakit hindi raw ako kumain, sino po ba kaya ang gaganahan pang kumain na bahaw na nga lang once a day at toyo almost lagi ulam ay may tondo bantay pa sa labas as if may kinakain akong galing sa kanila, tapos dahil nga once a day na nga lang o minsan katulad nito hindi pa ako nakakalabas ng kwarto ko talagang hinang hina na ako hindi na rin ako makapag-isip at kilos pa ng maayos bukod na yung gutom at kawalan ng enerhiya, bukod pa yung baho ng amoy ng urine na titiisin ko maghapon, bukod pa yung mga sakit ng ulo na dinudulot ng ingay sa paligid ko at bukod pa yung alalahanin kong business page debt. Kaya talagang patong-patong mga problema ko dito. Hindi ko na talaga maranasang maging normal na tao dito pero hindi ko rin masisi sarili ko dahil abnormal itong paligid ko kaya itong abnormal na kilos ko ay normal lang dahil reaksyon ko lang naman ito sa mga nararanasan ko rito bilang tao.)

(Talagang hindi normal itong paligid ko here.)

(Wala silang nakitang lumabas sa kwarto ko kagabi kaya posibleng mas matinding pagbabantay gawin nila mamayang magdamag. Dahil siguro iniisip na rin nila hindi ako lumabas ng kwarto ng isang buong araw so siguradong pang 2nd day lalabas na ako. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung anong nakukuha nila sa ginagawa nila may sweldo ba sila sa magmagan at buong araw nilang pagbantay sa paglabas ko ng kwarto at mukhang tila kinaiingitan pa nila.)

(Napansin ko lang din na yung mga ngipin ko talagang nasisira na dahil na rin siguro sa hindi ko na nagagamit here para ngumuya ng kahit anong pagkain bukod sa bahaw kung makakasulpot pa ako ng labas once a day.)

(Posible pang iniisip nilang takot na takot pa akong malagutan ng hininga here e puro pagpapahirap lang naman ginagawa nila sa akin, wala na nga akong inaasahan sa kanila puro pagbabantay pa sa labas sa paglabas ko ng kwarto ko once a day ginagawa nila kaya minsan nawawalan na rin ako ng ganang lumabas. Kung hindi lang dahil doon sa business page debt at mga knowledge na shinashare ko sa iba hindi ko na rin gugustuhing mabuhay pa rito lalo at lahat na lang bawal, pati karapatan kong magibg tao dito wala na rin, at mukhang hindi pa sila nauumay sa ginagawa nila kahit 2024 na.)

7:12pm Hinang-hina at lambot na lanbot na ako at mageexact 2 days na akong hindi nakakalabas ng kwarto ko at sobrang sama na ng amoy ng urine here at gutom na gutom na rin ako. Sana nageenjoy mga nagbabantay sa akin sa labas sa paglabas ko ng kwarto para kumain ng toyo at bahaw once a day na minsan hindi ko na rin gustong gawin dahil nakakaumay na nga yung kinakain ko nauumay na rin ako sa ginagawa nila.

(Lalabas ako ng once a day para kumain ng bahaw at toyo na may nagbabantay pa sa labas as if may kinakain ako o tinatanggap na galing sa kanila ni kahit noong pasko at bagong taon kahit isang candy o isang butil na kahit ano wala akong kinain o tinanggap na galing sa kanila para no issue na pero mukhang talagang hindi pa rin nila mapogilan ang pagbabantay sa akin sa paglabas ng kwarto ko once a day, na pagpasok ko naman unti-unti na akong manghihina kaya pati uung mga dapat kong gawin hindi ko na magawa habang sila pa kain-kain lang possibly at pa bantay-bantay if lalabas ako ng kwarto ko.)

(Ang mahirap kasi sa kalagayan ko here hindi ko naman ginusto ito napilitan lang ako na once a day or every 2 days lang kumajn dahil nga sa mga nagbabantay sa labas sa paglabas ko ng kwarto ko buong araw at magdamag as if may kinakain akong galing sa kanila na lahat na nga ng galing sa kanila iniiwasan ko na. Kaya mas mahirap ito mas katanggap tanggap pa siguro kong wala lang talagang makain dito oero kahit meron at pilitin akong kumain ng kasama ko here sa bahay ay hindi ko na rin magawa dahil nga sa mga nagbabamtay sa labas na tila galit na galit at inis na inis kapag nakikita akong lumalabas ng kwarto ko o kumakain kahit ng bahaw na lahat naman ay hindi galing sa kanila.)

(Mas gugustuhin ko pa talagang nasa labas ako dahil sa labas pwede pa akong makahanap ng work at makabili ng pagkaing gusto ko at makakilos, here oara akong trap na tinotorture ng mga nakapaligid sa akin na mukhang addicted na sa pain and suffering, kaso kapag lumabas naman ako baka sumunod lang sila or mga contacts nila para siraan ako sa pagtatrabahuhan ko kaya hopeless na talaga buhay ko dito sa lugar na napuntahan ko.)

(Mukhang dalawa ang response nila kapag hindi nila ako naaninag na lumalabas ng kwarto ko kapag madilim na either fake happiness dahil alam nilang mas matinding paghihirap at pagdurusa naranasan ko lalo na pag two days akong hindi nakakalabas ng kwarto ko, or disappointment at pagkainis dahil wala silang magamit na issue kahit na yung bahaw at toyo na inuulam ko ay hindi naman galing sa kanila dahil kung galing yun sa kanila mas pipiliin ko ng hindi na kumain.)

(Tahimik nga sila pero nagbabantay naman, bakit hindi sila maghanap ng ibang matinong pwedeng gawin? At sigurado namang marami silang kinakain at nakakalabas naman sila at may kalayaan unlike me. Pero tila sila pa ang magawa sa life kahit may kalayaan sila.)

10:41pm Nangingimay na katawan ko inaantay ko na lang patayin mga ilaw at lalabas na ako kaso may dumating sa labas na madalas nagiingay magdamag at posibleng bantayan nila akong magdamag sa paglabas ko ng kwarto ko para kumain ng bahaw at toyo. Mukhang kumakain sila now ayos lang yun wag naman na sanang bantayan akong lumabas ng kwarto ko mula gabi hanggang umaga. Nawawalan na ulit ako ng ganang lumabas dahil mukhang gising na naman sila mula now hanggang umaga kahit tahimik pa sila, bakit kasi hindi na lang sila kumain ng masarap at mag enjoy at matulog na, kailangan pa nilang pagpuyatan pagbabantay sa pagpabas ko mg kwarto e hindi naman ako kumakain ng kahit anong galing sa labas kahit gulay o prutas man. Napapailing na lang ako now habang hinang-hina na dahil kapag hindi ako nakalabas tonight baka abutin na naman ako ng 3 days hanggang bukas na hindi kumakain at sobrang baho na rin ng urine here. Grabe na talaga sila.

(Magenjoy na lang sana sila ng magenjoy sa life, bakit kailangan pa nilang trabahuhin ang pag papahirap sa akin, pati tuloy mga bagay na dapat kong gawin hindi ko na magawa dahil sa kawalan nila ng magawa sa life pati ako damay.)

(Kaya talagang Impyerno na tawag ko sa lugar na ito at puro pagpapahirap na nararanasan ko dito kahit pasko o bagong taon hindi nila pinalampas, parang hindi na mga tao itong nasa paligid ko para na silang mga demonyo at puro pagpapahirap na lang sa akin iniintindi dito kahit pa magpanggap na busy isinisingit tapaga lalo na pag gabi na, talagang wala na silang habag at awa kaya iniiwasan ko na rin talaga contact with them hindi na makatao ginagawa nila sa akin dito e.)

11:04pm naguumpisa ng umingay ang bibig noong dumating kaya nawalan na rin ako bigla ng ganang lumabas ng kwarto ko noong dumating sya dahil kakaiba yung negativity at ingay niya kahit pa siguro bingi sasakit ang ulo. Ito ako now iniisip kong makakalabas ba ajo tonight o hindi sobrang baho na ng urine dito at ito na lang halos nasisinghot ko rito habang napapakingan ang ingay ng bibig noong dumating at posibleng abutin pa ng umaga ito sa pagiingay habang binabantayan akong lumabas ng kwarto ko na hindi nila alam sila yung dahilan kung bakit hindi ako makalabas dahil alam kong binabantayan nila ako.

(Wala akong masabing maganda sa mga nakapaligid sa akin dito, dahil wala naman akong nararanasang maganda o matino sa kanila.)

(Hindi ko na maisip kung anong klaseng katinuan pa ang meron ang isang taong babantayan yung katulad kong lumalabas ng isang beses a day para kumain ng bahaw at toyo mula gabi hanggang umaga at hindi na matutulog para doon, para may magamit na issue at sasabihin nilang tuwang tuwa akong kumakain ng bahaw at toyo once a day at nakita o naaninag akong lumabas ng kwarto at mukhang proud pa sila sa ginagawa nila.)

11:11pm mukhang nagrereklamo na naman yung dumating sa labas siguro may dala syang letson at nalimutang bumili ng sauce, habang kumakain at sinisilip ako lung maaninag akong lalabas ng kwarto ko at mukhang may kasama pa sa pagbabantay. Mukhang mas gusto pa nilang panoorin akong naghihirap dito kesa manood ng TV dahil live torture ginagawa nila.

(Suko ako sa kasamaang taglay nitong mga nagbabantay sa paglabas ko ng kwarto ko once a day, talagang nakukuha pa nilang magreklamo about that. Kaya sabi ko dati mukhang kahit si satanas kakabahan sa kanila. At talagang kakaiba kademunyuhan nilang ginagaw sa akin dito. Hindi ko sila kayang tawaging pamilya dahil matindi pa sa kaaway trato at ginagawa nila sa akin dito.)

(Bakit hindi na lang sila matulog at mukhang nakakain na naman sila ng masarap? Mukhang sinasadya nilang magingay e para lalo akong hindi ako makalabas ng kwarto ko at alam nilang tuwing madilim na ako lumalabas. Grabe na talaga ang kasamaan nila.)

No comments:

Post a Comment

Day 48 - 49

8:05pm hindi ako nakapagsulat here whole day kahapon at mukhang nalimutan ko na kung bakit possibly dahil nawalan na ako ng oras dahil now m...