Tuesday, January 2, 2024

Day 40

8:22am Nakalabas na ako kaninang madaling araw at nakakain ng bahaw at toyo with mantika mukhang ito na magiging default ko daily na kakainin once a day lalo at vegan na ako now kung may gulay man here or prutas madalas bigay sa labas na hindi naman ako nakain. So it's either ako mismo bibili o yung dito lang mismo sa loob ng bahay na gulay o prutas ang makakain ko. Tahimik magdamag kagabi hindi natin sure kung bakit nagpahinga lang ba ang nagiingay o nagiipon lang ulit ng boses dahil hindi rin biro yung mula gabi hanggang umaga kang magsisigaw ng walang hinto. Habang ito namang dalawa kong kasama here sa bahay na dalawa ay tila masama ang tyan at laging nasa banyo hindi ko alam kung anong reason.

(Mukhang kakayanin ko naman kahit madalas toyo at mantika ulam ko kaso wag lang talaga sobrang dalas dahil minsan hindi ko na malunok dahil kinikilabutan na ako sa pagkaumay lalo at isang beses na nga lang ako daily nakakakain.)

1:08pm may mga tao sa paligid pero tahimik sila at parang laging may binabantayan, hindi ko sure pero hindi na talaga maganda nararamdaman ko sa mga tao sa paligid ko. Hindi ko alam kong may mga sakit sila or talagang naging ampalaya na lang sila in life pero kahit tahimik sila negative yung atmosphere dito sa paligid. At posibleng magingay na naman magdamagan yung nagiingay tuwing gabi lalo at mukhang nakapahinga na kagabi. Bakit kaya hindi sila maghanap ng matinong gagawin sa buhay nila?

6:36pm Maghapong tahimik kahit may mga tao sa paligid hibdi ko alam bakit napakatahimik nila, but just now may nagsisisigaw na ulit sa labas hindi ko lang sigurado kong gagawin na naman ito mula ngayong gabi hanggang umaga. Habang yung isa naman sa kasama ko here sa loob ng bahay na laging nasa labas dahil nagwowork doon sa kabilang bahay ay ang dami na biglang nararamdaman sa katawan na hindi ko alam kong saan nanggaling pati yata lalamunan nya nanakit na, ano ba kasi pinagkakakain nya sa labas?

No comments:

Post a Comment

Day 48 - 49

8:05pm hindi ako nakapagsulat here whole day kahapon at mukhang nalimutan ko na kung bakit possibly dahil nawalan na ako ng oras dahil now m...