Monday, January 8, 2024

Day 46

1:49am hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto ko dahil bukod sa mukhang wala naman akong makakain doon kundi bahaw at toyo again at kung may mantika na umay na umay na ako at parang naliliyo na nga ako possibly dahil wala ng sustansya nakuluha katawan ko sa kinakain ko, ay tila gising pa yung mga nagbabantay sa labas sa paglabas ko ng kwarto dahil tila nagsasalita pa rin sila kaya lalo na akong nawawalan ng ganang lumabas pa ng kwarto ko.

6:11am Nakalabas ako kagabi kaso hinugasan ko lang yung nilalagyan ko ng urine at hindi na ako kumain kahit may toyo at mantika doon, dahil hindi na rin maganda nararamdaman ko sa pagkain ng toyo, may nakita akong saging na ginataan kaso hindi ko sure kung saan galing kaya hindi ko kinain mas gugustuhin ko ng hindi kumain kesa kumain ng bigay sa labas dahil mukhang ginagamit pa nila yung issue, kaya siguro todo bantay din sila kapag lumalabas ako ng kwarto dahil wala na silang magamit na issue at hindi na nga ako kumakain ng mga galing sa kanila. Wala naman akong issue sa kanila at tantantanan na lang sana nila ako at mag enjoy na lang sila sa life nila kaso hindi e ayaw talaga nila akong tigilan.
Right now umaga na napagdabugan na ako ng isa sa kasama ko here sa bahay bakit daw hindi ako kumain hindi ko lang din masabi dahil ang tindi nitong nakapaligid sa akin kaya kahit bumulong here hindi ko na magawa baka marinig pa ako.

(Sana mag enjoy na lang sila sa life nila, nasira na naman nila buhay ko e, achievement na siguro nila yung ikinaka proud nila, at mag travel, vacation or kainin na lang nila mga want nila sa life dahil ako hindi ko magagawa yun dahil sa mga sumisira ng buhay ko at nagpapahirap sa aking nakapaligid sa akin dito.)

7:19am nagluluha na mata ko, kakaiba ba rin nararamdaman kong hirap dahil sa gutom now at panghihina, kahit magisip ng maayos hindi ko na rin magawa, hindi rin naman ako makakalabas ng kwarto ko na ganitong umaga, kung yung gabi nga at madilim ay hirap na ako lumabas paano pa kaya kapag ganitong maliwanag.

(Kung nakakalabas lang sana ako dito sa kwarto ko at hindi nakatutok sa pagbabantay yung mga nasa labas sa bintana sa akin kahit hindi ako nakain ng galing sa kanila ayos lang dahil makakahanap ako mg paraan like magdildil sa asin, pero hindi pati kalayaan ko here tinanggal na nila.)

7:40am tila yung isang alaga naman sa kabilang bahay noong kasama ko here sa bahay ang may lagnat now, nakakapagtaka na bakit after ng stepgrandma ko here na pumanaw recently ay yun namang mag kapansanang alaga nya now nilalagnat. Bakit sunod-sunod? Ano ang dahilan o cause? Lalo at yun na lang ang work ng isa sa kasama ko here now sa bahay ang mag-alaga doon which is kapatid nya.

6:05pm Grabe na yung panghihinang nararamdaman ko para ng sinisipsip laman ko ng katawan ko, para na akong kandilang nauupos, dahil sa almost 2 days na no kain, pati yung mga bagay na dapat kong naasikaso katulad noong business page debt ay hindi ko na maasikaso dahil lang sa kawalan ng magawa ng mga nagbabantay sa paglabas ko ng kwarto. Wala naman akong iba ng inaasahang ibibigay nila kundi ganitong problema, hindi ako kumakain ng kahit anong galing sa kanila o tumatanggap ng kahit anong galing sa kanila.

No comments:

Post a Comment

Day 48 - 49

8:05pm hindi ako nakapagsulat here whole day kahapon at mukhang nalimutan ko na kung bakit possibly dahil nawalan na ako ng oras dahil now m...